^

Dr. Love

Sino ang uunahin, Asawa o bunsong anak?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaki po ang problema ko at nais ko itong isangguni sa inyo. Ang kinse anyos kong bunsong anak ay nakipagtanan sa isang 17-anyos na lalaki at wala akong ideya kung nasaan sila ngayon.

Ang pamilya po ng lalaki ay walang pirmihang kabuhayan habang ako naman ay namamasada ng taksi. Tatlo po ang anak namin ng aking asawa, na ngayon ay nagpapagaling pa sa kanyang pagka-stroke.

May pwesto ang misis ko sa palengke. Pero mula nang ma-stroke siya nang tumaas ang blood pressure, natigil na po siya sa pagtitinda. 

Ang aming panganay ang nagkusa na tumigil muna sa pag-aaral para makatulong ko sa paghahanap-buhay. Siya ang nagtuloy sa pagtitinda sa palengke.

Hindi ko po malaman ngayon kung ano ang uunahin ko, ang paghahanap sa aming bunso, pag-aalaga sa asawa ko o pamamasada para may makain ang mag-anak ko.

Ang sabi ng biyanan ko, tulungan ko munang gumaling nang tuluyan ang aking asawa at hayaang matutunan ng aking anak ang pag-iwan niya sa kanyang pamilya.

Pero hindi ko maipagwalang-bahala ang maaa­ring kalagayan ng anak ko. Dahil hindi maayos ang pamilya ng lalaking sinamahan niya, na balita ko ay runner pa ng bawal na droga.

Nahihirapan na po ako, Dr. Love. Tulungan po ninyo akong magdesisyon. Litung-lito na po ako at malimit kapag nag-iisa ay napapaiyak ako sa nangyayari sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan kung saan kami nagkulang ng asawa ko, sa kabila naman nang paghahanap-buhay ay hindi namin napaba­yaan ang mga anak na lumaki sa pangaral, pero bakit ipinagwalang-bahala ito ng aming bunsong anak?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Manong Romy

Dear Manong Romy,

Huwag mong isisi sa sarili mo ang kalagayan ng iyong pamilya, sadyang may mga sitwasyon na dumarating at kasama na roon na kailangan matutunan ng bunso ninyo ang bunga ng kanyang desisyon.

Para sa akin, sundin mo ang iyong biyanan at unahin na maka-recover ang iyong maybahay. Mas makakabuti kung maghihinay-hinay ka, dahil lalong hihirap ang sitwasyon kung pati ikaw ay magkakasakit. Hingin mo ang kapahingahan sa Diyos na Siya ring may perpektong paraan para matauhan ang bunso mong anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with