^

Dr. Love

Huwag panghinaan ng loob

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon
Huwag panghinaan ng loob

Director Brillante Mendoza directs the first State of the Nation Address of President Rodrigo Duterte. Presidential Communications/Released, file

Dear Dr. Love,

Maituturin na late bloomer kami ng aking mister, dahil ika nga ay malapit na kaming mahuli sa byahe nang lumagay sa tahimik.

Nasa 40 years na ako nang isilang ang aming pa­nganay. Bago ako mag-menopause nagkaroon kami ng tatlong anak ni Bobby.

Napakasaya naming mag-asawa nang dumating ang aming mga anak. At wala sa hinagap namin na sa kanilang paglaki ay magiging matinding pagsubok ang aming kakaharapin.

Pawang nasa junior high na ang mga anak namin. Ngayon ay hirap na kaming maging masaya ng mister ko. Dahil madalas na sama ng loob at problema ang umuukupa sa bawat araw naming mag-anak. Hindi ko po alam kung saan kami nagkulang na mag-asawa sa pagpapalaki sa aming mga anak.

Balewala na lahat ang aming mga pangaral sa kanila. Kung pinagsasabihan, sila pa ang galit. Mistulang kalbaryo ang buhay ng magulang kapag walang malasakit ang anak.

Payuhan po ninyo kami kung paano ang dapat naming gawin para magbago ang aming mga anak na pawang lalaki pa naman din. 

Juliet

Dear Juliet,

Tama ka na hindi madali ang maging magulang. Pero huwag kang panghinaan ng loob dahil lahat naman tayo ay dumadaan sa pagsubok. Basta bilang magulang ay gawin mo ang magagawa mo at ang hindi mo na kaya ay paubaya mo sa Panginoon. Walang imposible sa Kanya, kaya lagi mong pagdasal ang iyong mga anak at Siya ang bahalang kumilos para sa kanila.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with