^

Dr. Love

Tanggalin ang pride

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago pa kami magpakasal ng mister ko ay napag-usapan na namin na sa minana kong bahay mula sa aking mga magulang kami maninirahan. Pero mabilis na lumipas ang 20 taon at hanggang ngayon ay nagkakaroon kami ng issue dahil ang gusto ng asawa ko ay sa family house nila kami lumipat, kasama ng kanyang mga kapatid.

Hindi ko po maintindihan kung bakit iginigiit pa rin ng asawa ko ang kagustuhan niyang ito, bagay na pinagmamatigas ko dahil may usapan naman kami na matagal na niyang sinang-ayunan.

Ang katwiran ni Roger, ikinalulungkot niyang malayo sa kanyang pamilya. Sinabi rin niyang subukan naman naming tumira sa ipinamanang bahay ng kanyang mga magulang sa Timog Katagalugan.

Ang pagtanggi ko sa ideyang ito ang pinagmulan ng hindi namin pagkikibuan na mag-asawa. Dahil dinamdam ng mister ko ang hindi ko pagpayag at ganon din naman ako dahil sa hindi niya pagtupad sa aming naunang usapan.

Para kay Roger, pinagbigyan na raw niya ako alang-alang sa pagmamahal niya sa akin, bakit daw hindi ko raw magawa ang ganon para sa kanya.

Hanggang isang araw ay namalayan ko na lang na nag-alsabalutan na ang asawa ko, para raw magbakasyon sa kanilang lugar. Pawang teenager na ang aming tatlong anak na siyang dumadalaw-dalaw sa kanya roon sa kanilang lugar.

Sa aking mga anak ko nalalaman ang kalagayan ng kanilang ama, na maayos naman raw at malusog dahil nakakapahinga nang husto. Lagi po akong niyayaya ng mga anak ko na bisitahin ang kanilang ama, pero nagdaramdam pa rin ako.

Payuhan mo po ako, Dr. Love kung tama bang maghinanakit ako sa asawa ko at patuloy na tanggihan ang pakiusap niya.

Thank you very much for this and future requests.

Gumagalang,

Julia

Dear Julia, 

Isang reyalidad na sumasayang sa bawat araw nang mag-asawa ay ang pananaig ng pride, kaya nawawalan nang pag-unawa at pagbibigayan sa isa’t isa.

Maraming taon na ang nasayang sa pagsasama ninyo, hihintayin mo pa bang mahuli na ang lahat para magsama-sama kayong muli bilang isang pamilya? Hindi naman kalabisan ang hiling ng asawa mo kung tutuusin, kaya sana matuto kang magbigay.

Sa katunayan ang itinuturo ng Bibliya ay mag-submit ang asawa sa kanyang mister bilang ulo ng pamilya. Kaya kung patuloy kang magmamatigas, binabalewala mo rin ang kalooban ng Diyos para sa mag-asawa.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with