^

Dr. Love

Malayo ang loob sa sariling anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi agad kami nagkaanak ng asawa ko mula nang magpakasal kami. Sa katunayan ay dalawang beses pa akong nakunan. Pero ang hindi ko maintindihan, kung kailan nakabuo na kami ng anak ay wala na ang dating pananabik ng mister ko. Malayo ang loob niya sa aming baby.

Sa pakiwari ko ay halos ayaw niyang alagaan ang aming panganay. Minsan na nga lang niyang kakargahin ay agad ding ilalapag. Dahil baka raw madumihan o kaya’y magusot ang kanyang damit.

Ang katuwiran ni Mencio, may yaya naman ang bata na siyang nakakaalam nang dapat gawin sa pagpapalaki sa aming anak.

Mas gusto pa po ng mister ko na lumabas ka­ming dalawa lang tuwing Sabado at Linggo. Hindi kasama ang aming baby.

Hindi ko naman po hinahanapan na alagaan ng asawa ko ang aming anak, pero sana man lang ay pag-ukulan niya ng pansin ang bata. Lalo pa nasa formative years na ito at nangangailangan ng atensiyon ng magulang.

Pero hindi ko na alam kung paano ilalapit ang loob ng mister ko sa aming anak. Normal lang po ba ang ganitong behavior ng isang ama sa kanyang sariling anak?

Wala naman po akong nalalamang masamang karanasan ng mister ko sa kanyang pagkabata, para magkaganito ang trato niya sa aming anak.

Payuhan mo po ako Dr. Love. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo.

Gumagalang,

Elvira

 

Dear Elvira,

Hindi mo nabanggit kung ilan taon na ka­yong mag-asawa. Pero ipinapalagay ko na nasa productive years pa kayo. Hindi ko kilala nang personal ang mister mo, kaya ang mabuti pa ay pag-ukulan mo nang panahon para maunawaan ang damdamin niya tungkol sa inyong anak. Nang sa ganon ay matulungan mo siyang malampasan kung ano man ‘yun. Pero gawin mo ito sa mahinahon at kung posible daanin mo sa paglalambing. Hangad ko na kapwa ninyo ma-enjoy ang biyaya nang pagkakaroon ng anak.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with