^

Dr. Love

Dismayado sa asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Matagal ko nang gustong sumulat sa inyo para magpa-advice sa napapansin kong unti-unting pagbabago sa pagtrato sa akin ng mister ko.

Bago kami ikasal at kahit noong nanliligaw pa lang siya sa akin, sobrang nakaka-touch ang pag-aasikaso at pagmamalasakit sa akin ni Celmo. Kahit sakit lang ng ulo ay talaga namang nag-e-exert siya ng effort para matiyak na ok ako.

Pero kung kailan naglilihi na ako pagkaraan ng tatlong taon naming pagsasama ay parang hinihila na niya ang kanyang katawan para samahan akong magpadoktor.

Nasaktan talaga ako nang sabihin niyang itaon ko sa Sabado o Linggo ang pagpapa-check up para hindi siya maabala sa kanyang trabaho.

Madalas na rin niya akong iwanan kapag papasok na sa opisina. Mag-uber na lang daw ako dahil mali-late na siya.

Hindi ko po maunawaan kung bakit siya nagbago, gayong ang ibang mister na kilala ko ay asikasung-asikaso ang asawa sa sandaling malamang buntis na.

Hindi ko naman po kagustuhan na magkaroon nang mabigat na pakiramdam sa aking pagbubuntis. Kesyo masyado naman daw akong namihasa sa sobrang atensiyon na ibinigay niya sa akin. Dapat anya, panahon na para matutuhan ko na maging independent at huwag ko na siyang paghanapan ng mga bagay na kaya ko namang gawin nang mag-isa.

Mula nang magbuntis ako ay sinasadya na niyang umuwi ng gabi. Kaya hindi ko na talaga siya kayang hintayin dahil nahahapo ako.

Ito po ba ay isang indikasyon na nagsasawa na siya sa akin? Mayroon na kaya siyang ibang kinalolokohan? Dr. Love, sa pakiwari ko ay hindi sabik na magka-baby ang asawa ko.

Sana po, mabigyan ninyo ako ng payo sa nangyayaring ito ngayon sa aking buhay may-asawa.

Maraming salamat at hangad ko po ang patuloy na tagumpay ng inyong malaganap na column.

Gumagalang,

Nilda

Dear Nilda,

Sadyang maraming pagbabago sa pakiramdam at iba pa na nararanasan ng isang ina na nagdadalantao. Pero sa maniwala ka o hindi, mayroon din sa mga soon-to-be father.

Kaya ang maipapayo ko, sa halip na hanapan mo ang mister mo ay sikapin mo na maunawaan din siya. Ang laging sinasabi ng mga nakakatanda, kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. Kung sa halip na magdamdam ka sa iyong mister, ipakita mo na nagsisikap kang mapabuti ang kalagayan ninyo ng inyong baby at maunawaan siya.

Lagi mo rin siyang isama sa mga dasal mo na hipuin siya ni Lord, wala namang imposible basta maniwala ka at manalig ka. Congratulations in advance, ingatan mo ang blessing sa sinapupunan mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with