^

Dr. Love

Mahal pa ba niya ako?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung puwede po ay huwag n’yo nang banggitin ang buo kong pangalan.  Tawagin n’yo na lamang akong Percy, 27 anyos, may asawa at apat na anak.

Nagtataka ako sa inuugali ng aking mister. Dati ay malambing siya sa akin. Ngayon ay responsable pa rin siyang asawa at hindi nagkukulang sa pag-aaruga sa aming mga anak.

Kapag nasa bahay siya, malambing siya sa aming mga anak pero sa akin ay parang wala na ang init ng pagmamahal. Bihira na rin kaming magtalik. Naging ganyan siya nitong nakalipas na dalawang taon.

Hindi naman ako naghihinalang mayroon siyang iba dahil nasa oras naman lagi ang uwi niya sa bahay. At kung day off niya ay nasa bahay lang siya, nagga-garden o nagbabasa ng libro.

Kahit ano’ng paglalambing ko sa kanya ay hindi niya tinutumbasan. Palagay ba ninyo ay hindi na niya ako mahal?

Percy

 

Dear Percy,

Walang makasasagot sa problema at katanungan mo kundi ang mister mo. Sa kaso mo, dapat ay kausapin mo siya. Baka hindi mo siya inuusisa para malaman ang problema.

Puwedeng pagod siya sa kanyang trabaho kaya nababawasan ang atensyon niya sa iyo.

Tingnan mo rin ang iyong sarili. Ano ang itsura mo kapag dumarating siya? Baka naman wala kang kaayusan at amo’y kusina. Mag-ayos ka na animo’y inaasahan mong dumating ang iyong manliligaw.

 Marahil nga ay wala naman siyang other woman dahil laging nasa oras ang dating sa bahay, kaya buksan ninyo ang linya ng komunikasyon. Importante iyan sa paglutas ng ano mang problema.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with