^

Dr. Love

Takot sa sex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po’y tagahanga ninyo na sapul nang ako ay teenager pa. Tawagin n’yo na lang akong Demi, 22 anyos. Nagtatrabaho po ako bilang accountant sa isang kompanya.

Hangang-hanga po ako sa mga payo ninyo na malaki ang naitutulong sa mga readers na may love problem.

Ako po ay may boyfriend ngayon for three months. Niyayaya na niya akong pakasal. Kasi po, siya ay 30 anyos na at baka maiwan na raw ng biyahe. Ngunit nag-aalangan po ako. Parang takot na takot akong makatalik ng lalaki. Hindi n’yo naitatanong, virgin pa po ako.

Pero sa totoo lang, attracted ako sa kanya at mahal ko siya.  Ano ang gagawin ko? I need your advice.

Demi

 

Dear Demi,

Maaaring mayroon kang takot sa pakikipagtalik na kung tawagin ay genophobia o coitophobia. Posibleng mangailangan ka ng professional help mula sa clinical psychologist para ma-overcome mo ang takot na iyan.

Ngunit kung iisipin mo na normal ang pakiki­pagtalik lalo ng mag-asawa, at ito’y nagbubunga ng maligayang pamilya, baka unti-unti mong mawawaglit ang ganyang klaseng takot.

Unang-una, hindi ka maisisilang sa mundong ito kung hindi nagtalik ang iyong mga magulang.  Isa pa, mahirap ang tumandang dalaga na hindi ka magkaka-supling. Iyan ang higit mong katakutan at hindi ang pakikipagtalik.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with