^

Dr. Love

Visayan accent

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa pagtanggap mo sa sulat kong ito, sana ay nasa mabuting kalagayan ka. Pero ako, durug na durog ang puso ko.

Tawagin mo na lang akong Estel, 21 anyos at nagtatrabaho bilang teller sa bangko sa Makati  habang working student ako sa kursong accountancy.

Bigla na lang nakipag-break sa akin ang aking boyfriend at ang reason niya ay dahil sa aking puntong Bisaya. Talaga namang Bisaya ako from Samar at hindi ko ikinahihiya iyan.

Nagtataka lang ako sa bf ko dahil matapos ang isang taon naming relasyon ay ngayon lang niya nalaman na may Visayan accent ako. Naisip ko tuloy na baka gumagawa lang siya ng dahilan.

Ayaw daw niya na ang siyota niya ay parang kasambahay. Pero sa totoo lang, maganda ako at maraming manliligaw. Pero love ko siya talaga at ayaw ko na mawala siya sa buhay ko.

Pati sa trabaho ko at pag-aaral ay nahihirapan akong mag-focus. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Estel

Dear Estel,

Tama ka. ‘Di dapat ikahiya kahit saang rehiyon ka man nagmula. Makitid ang utak ng boyfriend mo kung dahil lamang sa iyong punto ay hihiwalayan ka niya. Si Annabel Rama nga na isang sikat na celebrity ay Bisayang-bisaya kung magsalita pero wala namang pumupuna sa kanyang pananalita.

Pero mukhang tama ang hinala mo. Nag-iimbento lang siya ng dahilan. Bakit mamahalin mo ang ganyang lalaki? Kalimutan mo siya. Sabi mo, maganda ka at maraming manliligaw. At ang hinahangaan ko sa iyo ay self-supporting ka sa isang napakagandang kurso. Balang araw, God willing, magiging CPA ka. Hindi ikaw ang nawalan kundi ang boyfriend mo na pihadong magsisisi sa pakikipag-break niya sa iyo.

Huwag mong sirain ang tabaho at pag-aaral mo. Sungkitin mo ang pangarap mo at kalimutan mo ang lalaking iyan.

Dr. Love

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with