^

Dr. Love

Ingleserang nobya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Talaga siguro na kung minsan ay mapagbiro ang buhay. Dahil kung sino ang ayaw mo ay ‘yun ang napupunta sa’yo. Gaya nang nangyari sa akin, noon pa man ay ayaw ko sa mga elitista, pero ang natipuhan ko ay nasa hanay ng mga ito.

Inglesera, nakatira sa isang ekslusibong subdivision si Didet at kahit sa hinagap ay hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa isang gaya niya. Dahil kumukuha lang ako ng vocational computer technology course at isang ordinaryong DJ sa FM station sa Maynila.

Kasama po siya sa mga listener ng programa ko sa radyo na unti-unting humahatak na ng atensiyon. Nagustuhan niya raw ang mga pinapatugtog ko na nagiging pampatulog niya kapag inaatake siya ng insomia.

Hanggang sa tumawag na siya at nagsimula ang aming pagkakakilala, na nang lumaon ay na-develop sa isang relasyon. Wala akong itinago kay Didet tungkol sa buhay ko, na ako’y isang kahig-isang tuka. Bagay na ipinagtataka ko kung bakit nagawa niya akong sagutin nang ligawan ko siya. Ang sabi niya, sa lahat daw ay ako lang ang naging tapat.

Masaya ang mga unang taon, pero habang nagtatagal ay lalong naipapamukha sa akin ang malaking pagkakaiba ng mundo namin ni Didet. Kaya nagpasiya na ako na huwag nang pumayag sa mga date na siya naman ang madalas na sumasagot sa gastos hanggang naisipan kung magpakalayu-layo na lang.

Nag-request akong magpalipat ng istasyon sa lalawigan na pag-aari pa rin ng boss ko. Ang sabi ng mga kapatid ko ay maraming beses nagpunta si Didet sa bahay namin para makiusap na sabihin kung saan ako makikita.

Akala ko okey na at makakalimutan ko siya, pero kabaliktaran ang nangyari, Dr. Love. Lalo siyang hindi mawala sa isip ko at ngayon ay nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung pwede pang ibalik ang lahat pagkatapos ko siyang iwan sa ere. Payuhan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin para masabi kay Didet na hindi ko pala kaya nang wala siya.

Gumagalang,

Dexter

Dear Dexter,

Huwag mong pahirapan ang sarili mo, tularan mo ang ginawa ni Didet na sinikap na gawin ang lahat para matunton ka. Ngayon ay ikaw naman ang kumilos para malaman mo kung wala pa ring nagmamay-ari sa puso niya. At sana gawin mo ito sa lalong madaling panahon. Go!

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with