^

Dr. Love

Huwag ipilit ang sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kabilang po ako sa masusugid na tagasubay­bay ng inyong kolum na Dr. Love, at nagpas­yang sulatan kayo for the first time dahil sa isang problema sa puso.

Tawagin mo na lang akong Cesar, 22-anyos at binata. Matagal na akong nanliligaw kay Cristel. Mula nang makilala ko siya ay kakaibang ligaya ang nadama ko. Ngunit parang hindi niya siniseryoso ang pagtatapat ko ng pag-ibig sa kanya.

Kamakailan ay nagtungo ako sa kanila at nakilala ko ang kanyang mga magulang. Nau­unawaan ko ang ama niya nang tanungin ako kung may asawa na ako. Sabi ko, wala pa.

Subalit nang makausap ko si Cristel ay sinabi niya sa akin na kalimutan ko na raw siya at ibaling ko na lang sa iba ang aking pagmamahal dahil ayaw daw ng mga magulang niya sa akin. Alam ninyo, nung marinig ko po iyon ay parang nawalan ng saysay ang aking buhay.

Cesar

Dear Cesar,

Ginagawa lang dahilan ng nililigawan mo ang kanyang mga magulang. Sa totoo lang, wala siyang­ gusto sa iyo.

Bakit mo ipagpipilitan ang sarili sa babaeng hindi naman nagmamahal sa iyo? Ganyan talaga sa panliligaw, hindi lahat nang magustuhan mo ay makukuha mo.

Masakit pero tanggapin mo ang totoo at humanap­ ka ng iba.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with