^

Dr. Love

Namihasa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maglilimang taon na kami ng  boyfriend ko. Sa mga taong pinagsamahan namin ay natitiyak kong sobrang mahal ko siya. Kaya lang may isang bagay na laging nagpapaisip sa akin kung siya na nga ba talaga ang gusto kong makasama sa buhay.

Hindi po maiiwasan ang mga tampuhan at hindi pagkakasundo sa relasyon. Pero sa ilang ulit naming pagkakaroon ng ganitong sitwasyon ay laging ako ang umaamo sa kanya.

Maraming pagkakataon na hindi naman talaga sa akin ang pagkakamali o kapabayaan, pero para matapos na lang at wala na kaming pag-awayan pa ay ako na lang po ang nagpapakumbaba.

Pero na-realize ko na hindi nakakatulong ang ganitong set up para mas maging maayos ang aming relasyon. Madalas ay nauulit ang parehong pagkakamali at ganon na naman ang gagawin ko.

Ngayon po ay nakakaramdam ako nang panlalamig sa kanya at ilang araw na ring napapaisip kung maligaya pa ba ako sa kanya.

Parang ako lang po kasi ang nagbibigay ng hala­ga sa aming relasyon at sa pakiwari ko ay hindi ko kayang tumagal kapag lagi na lang ako ang gumagawa ng paraan para magkasundo kami.

Pagpayuhan po ninyo ako. Hindi ko rin po kasi alam kung tama na pakikipaghiwalay na ang ikonsidera kong solusyon. Ayoko rin po magsisi kung magiging pabigla-bigla ako sa desisyon ko.

Joy

Dear Joy,

Mukhang hindi ka talaga liligaya sa ganyang sitwasyon. Dahil ang pag-aalaga sa isang relasyon ay dapat na nasa magkabilang panig. Tama ka na hindi makakabuti kung ikaw lagi ang magpapakumbaba at uunawa, dahil kapag ganito nang ganito ay pinamimihasa mo lang ang boyfriend mo.

Sa tingin ko, hindi ka talaga mahal ng boyfriend mo. Kaya mabuti pa ngang kumawala ka na sa relasyon ninyo para magkaroon ka pa nang pagkakataon na makilala ang lalaking magagawang pahalagahan ka at ang pagmamahal na handa mong ilaan sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with