^

Dr. Love

Mapaglaro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay mabigyan ninyo ako ng payo tungkol sa isang guy na aking nagugustuhan. Pakikubli na lang ninyo ako sa pangalang Zhen, 18 anyos at taga San Simon, Pampanga.

May napupusuan akong isang lalaki na crush ng bayan. Tawagin n’yo na lang siyang “Handsome,” dahil iyan ang tawag ng lahat ng mga kabataang babae sa kanya dito sa aming lugar. Isa siyang varsity swimmer sa aming pamantasang pinapasukan.

First time kaming nag-meet sa debut ng aking best friend at agad naman akong attracted sa kanyang kakisigan. Kuwentuhan muna hanggang magkakilala kami ng husto, at laking tuwa ko nang ‘di nagtagal ay nanligaw na siya sa akin.      

Ang labis kong ipinagtaka ay bigla na lamang siyang tumigil sa pag-text sa akin.  Parang nawalan siya ng interes na ituloy ang panliligaw.

Minsan ay ako na ang nagkukusang tawagan siya. Pero it seems, hindi na sing-init ang pakiki­pag-usap niya at parang parating nagmamadali.

Naiinis na ako sa ipinakikita niya at ipinadarama sa akin. Laman siya lagi ng isipan ko at gusto ko siyang limutin pero ‘di ko magawa.

Tulirung-tuliro na ang isip ko at hindi alam kung ano ang aking gagawin.

Zhen

 

Dear Zhen

Sa palagay ko lang ay nakatagpo ka ng la­laking may kapilyuhan at pinaglaruan lang ang iyong damdamin, matapos mapansin ang kakaiba mong pagkagusto sa kanya. Naku, ingat sa ganyang mga lalaki na porke’t sobrang guwapo, akala nila ay kayang-kaya nilang paikutin sa kanilang palad ang mga babae.

Ituring mong blessing in disguise ang nangyari. Isipin mo na lang na kung naging boyfriend mo ang ganyang klase ng lalaki at ibinigay mo sa kanya ang sarili mo, eh ‘di lalo kang naagrabyado?

Walang kuwentang lalaki iyan at ni hindi dapat magkapuwang kahit kaunti sa isip mo. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa isang walang kuwentang lalaki.

Bata ka pa Zhen at marami ka pang dapat matutuhan sa iyong buhay.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with