^

Dr. Love

Umaasa sa marriage proposal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahigit nang limang taon mula nang sumakabilang buhay ang maybahay ko makaraang atakihin siya sa puso. Kasamang nasawi ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan.

Hindi madali sa akin ang mga nangyari. At marahil dahil sa kalungkutan ay ipinakilala ako ng kaibigan ko sa mga kaibigan niya, hanggang sa ma-meet ko si Carla.

May lang ulit na rin kaming lumabas. Pero hindi ko inakala na ang pagkakamabutihan namin ay inaasahan niyang may kalakip na marriage proposal. Sa totoo lang po, hindi pa ako handa sa commitment dahil hindi pa rin mawala sa isip at puso ko ang masaklap na nangyari sa aking mag-ina.

Hindi ko naman po gustong ma-offend si Carla. Sa tingin n’yo po ba ay maaari kong sabihin sa kanya na kung mahihintay niyang maging okey na ang puso ko, maaaring maging handa na akong makipagrelasyong muli?

Payuhan po ninyo ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Robert

 

Dear Robert,

Kung ‘yan ang estado ng kalooban mo, hindi ‘yun masama kung ipagtatapat mo sa kanya. Sa totoo lang, mas mainam ‘yun para hindi siya umasa sa kanyang maling akala.

Kung mataas na ang expectation niya na pakakasalan mo siya, maaaring masaktan nga siya. Pero di ba mas masakit kung papaniwalaan mo siyang may kahahantungan ang pagkakamabutihan ninyo pero wala naman talaga?

Pero kung nakahanda siyang hintayin na ma­ging ready ka, dapat lang na tiyakin mo ito sa iyong sarili para hindi masayang ang laan niyang tunay na pagmamahal para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with