^

Dr. Love

Weird na mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay si Rose, 30 anyos, may magandang trabaho sa isang bangko, may asawa at dalawang anak.

Mahal ko ang mister ko pero ‘di ko maintindihan kung bakit ‘di ko maiwasang makipagrelasyon sa ibang lalaki na katulad ko na pamilyado rin.

Nagmamahalan po kami ni Cel sa nakalipas na tatlong taon. Kasamahan ko siya sa pinapasukan kong bangko. Tuluyan na akong nahumaling sa kanya, dahil maalalahanin siya at napakaromantiko, mga katangiang uhaw ako sa aking sariling asawa.

Makasarili kasi ang mister ko. Nakakahiya man, pero kahit sa aming intimate moment, ang importante lang sa kanya ay makaraos siya, period. Ang weird lang, alam niya ang relasyon ko sa ibang lalaki. Pero okey lang sa kanya.

May pagkakataon na naiisip kong mali ang ginagawa ko, pero kapag binabalak ko nang putulin, hindi ko magawa. Hindi ko kayang i-give up si Cel.

Ano po ba ang dapat kong gawin, Dr. Love? Payuhan mo po ako.

Maraming salamat at best regards sa inyo.

Rose

 

Dear Rose,

May sarili kang isip at alam mo ang tama at mali. Batid ko na hindi mo na kailangang humingi ng payo basta susundin mo lang ang sinasabi ng iyong budhi. Ipagpatawad mo pero sa tingin ko, pareho kayong may sayad sa isip ng asawa mo. Bakit tila natutuwa siya sa panlalalaki mo?

Sana magawa ang tama. Dahil siguradong hindi mo rin magugustuhan kung mangyayari sa’yo ang ma-broken family dahil sa isang babaeng nagnanakaw sa panahon ng iyong asawa.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with