^

Dr. Love

‘Latak’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dahil kaiba ang itsura sa mga kapatid ko, pa­wang matatangkad sila, mapuputi at may ma­ta­­ngos na ilong habang ako naman ay kabalik­taran nang lahat nang nabanggit, binansagan akong “latak.”

Ito ang dahilan kung bakit lumaki akong may inferiority complex. Kung kilala sa kanilang lara­ngan ang mga kapatid ko, ako, hindi. Kaya naman naging determinado ako na ang mapangasawa ay matangkad, matangos ang ilong at maputi, ‘yun po ang nangyari. Tatlo ang anak namin, na pawang nagmana sa aking mister.

Ang hindi nga lang nakuha ng mga anak ko ay ang talino mula sa kanilang sumakabilang-buhay nang lolo. Matatalino lahat ang mga pamangkin ko na hindi nawawala sa usapan kapag nagkakaroon kami ng family gathering.

Hindi ko lang po nagugustuhan kapag nauungkat na naman ang bansag sa aking “latak.” Bagaman biro lang ito ng aking ama sa akin nung bata pa ako, dahil menopausal baby nila ako ni nanay, naging pantukso na ito sa akin ng mga kapatid ko.

Kung noon kabataan ko ay nagawa kong ma-overcome ito, dahil sa pagtatanggol sa akin ni nanay, ngayong wala na siya at nauungkat ang pagiging “latak” ko ay hindi ko na maiwasang hindi indahin. Ayaw ko po kasi danasin ng mga anak ko ang pakiramdam nang pagiging kakaiba.

Pero paano ko po sasabihin sa aking mga ka­mag-anak na tantanan na ang kakaungkat ng tungkol sa “latak” o dapat bang iwasan ko na lang ang ibang kamag-anak na hindi marunong magpa­halaga sa damdamin ko? Payuhan po ninyo ako.

Ayaw ko pong maging bastos sa kamag-anak. Sana naman po, irespeto nila ang damdamin ko.

Gumagalang,

Nenita

Dear Nenita,

Siguro dahil nagagawa mong balewalain noon ang bansag sa’yong, “latak” kaya inaakala ng ibang kapamilya mo na wala itong anuman sa’yo. Pero dahil nagdudulot na ito ng negatibong emos­yon, maaari mo namang ipaalam sa kanila, ma­aaring pabiro rin o kaya’y ipasabi mo sa iyong ka­patid.

Mahinahong pag-usapan ang magandang re­medyo sa kahit anong hindi pagkakaunawaan lalo na sa pagitan nang magkakapamilya. Natitiyak kong bilang mga matured na ay mauunawaan ka nila sa hangarin hindi maranasan ng iyong mga anak ang pakiramdam na pagiging iba.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with