^

Dr. Love

Hunyo 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Isa-isa kong aabutin ang mga pangarap ko. Sapat ang biyaya ng Maykapal para rito.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan, lalo na sa hahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasan na mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na B o C ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 37, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –  Huwag asahan na sagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 36 at beige.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kailangang paminsan-minsan ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at magenta.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)  –  Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema, dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idaraan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 33, 41 at brown.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)    Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idaraan sa dahas o init ng ulo. Iwasan na makapagsalita nang ikakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 41 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Nasa magandang pag-uusap ang pagresulba sa problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kapakanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung nasa kalooban na ayaw nang broken home o maging broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 29, 40 at lavender.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Marami ang makakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with