^

Dr. Love

Lulong sa tong-it ang ina

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nasa junior high ako ngayon at napipintong huminto na nang pag-aaral, dahil hindi na ka­yang suportahan ng magulang ko ang lahat.

Natanggal sa trabaho ang tatay ko at ang nanay ko naman ay sarado na sa maraming bagay dahil lulong na sa kanyang bisyong sugal. Ang importante na lang sa kanya ay magbalasa nang magbalasa ng baraha sa tong-itan kahit wala nang kainan o tulugan.

Naaawa ako sa sarili ko. Dalawa lang kaming­ magkapatid at kung tutuusin ay maayos sana ang buhay namin kung naging masinop lang sa grasyang dumarating ang nanay ko.

Ngayon po ay madalas silang nag-aaway ng tatay ko at miserable talaga ang pakiramdam namin ng kapatid ko. Gustuhin ko mang umalis na lang sa bahay namin, hindi ko naman po alam kung saan kami pupunta na magkapatid.

Wala akong alam na trabaho at hindi ko pa kayang mabuhay nang walang magulang, lalo na ang buhayin nang mag-isa ang kapatid ko na sampung taon gulang pa lang.

Wala po akong kilalang kamag-anak at nahihiya naman akong lumapit sa mga kaibigan ko, baka mapagalitan pa sila ng magulang nila.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Tulungan  po ninyo ako.

Anet

 

 

Dear Anet,

Nakakapanlumo ang kalagayan ng mga anak na naiipit sa sigalot ng magulang. Pero hindi solusyon ang paglalayas, baka mapano pa kayo ng kapatid mo. Sa palagay ko ay nasa huwisyo pa ang tatay mo para pagmalasakitan kayong magkapatid.

Subukan mong kausapin siya at mag-open ka, naniniwala ako na may magandang remedyo ang tatay mo para gumaan ang sitwasyon ninyong mag-aama.

Huwag mo namang lubayan ang pagdarasal para sa nanay mo. Walang imposible sa Diyos, siya ang may kakayahang bumago ng puso ninu­man. Sa ngayon ay pagtuunan mo lang muna ang bagay na magagawa mo at kaya mo.

Kasama mo ako sa panalangin na maging maayos ang pamilya ninyo. God bless you.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with