^

Dr. Love

Gusto nang kalasan ang 60-anyos na ka-live in

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Doble ng edad ko ang ka-live in ko. Matagal na kaming nakatira sa iisang bubong. Dahil nag-aaral pa lang ako ay nagsama na kami.

Balo si Mando, may dalawang anak na lalaki na halos kasing edad ko. Nagkakilala kami sa isang bar na pinapasukan ko noong nag-aaral pa ko.

Natipuhan niya ako ay nag-ayang magsama na kami, siya na raw ang bahala sa lahat. Sa paglipas ng mga taon, natutunan ko na ring mahalin si Mando.

Dahil malaki ang agwat ng edad namin, hindi maiwasan ang misunderstanding. Pero sinisikap kong unawain siya.

Nahihirapan lang akong intindihin siya sa pagkakaiba namin ng prayoridad. Ang gusto niya ay mag-travel na lang kami sa abroad na salungat sa hangarin kong magkaanak sana kami kahit isa lang at magkaroon ng sariling bahay.

Pero hindi ko makita na intresado siya sa alin man dito. Marahil dahil may mga anak na siya sa unang asawa at may pundar na rin bahay nila. Paano naman ang kinabukasan ko?

Minsan tuloy ay namamalayan ko ang aking­ sarili na nagpaplano nang wala si Mando sa eksena. Magmumukha ba akong walang utang na loob kung iisipin ko ang future ko? Paano kung mauna na siya at maiwan ako, masama bang isipin ko ang kalalagyan ko sa sandaling ‘yun?

Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love, hihin­tayin ko po ito. Maraming salamat at more power sa inyong column.

Gumagalang,

Che-che

Dear Che-che,

Matagal ko nang sinasabi na hindi ako puma­pabor sa pagli-live-in, dahil laging lugi ang mga kababaihan sa ganyang set-up. Pero andyan ka at ngayon ay nag-iisip nang kumawala. Dahil nagiging malinaw na para sa’yo ang malaking pagkakaiba ninyo ng may edad nang ka-live in mo.

Hindi malayong pag-isipan ka na walang utang na loob, pero kung ito ang magiging daan para matamo mo ang kaligayahan nang pagkakaroon ng anak at sariling buhay-pamilya, tanggapin mo.

Bata ka pa at marami pang oportunidad ang darating sa’yo, kasama na roon ang makakilala­ ng lalaking makakatugon sa hangad mong magkaroon ng sariling pamilya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with