^

Dr. Love

Nalilito

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa pong mainit na pagbati sa inyo Dr. Love. Maganda po ang inyong kolum na kinagigiliwan na­ming basahin sa bahay. Nakapupulot ako rito ng nuggets of wisdom.

Mangyaring huwag mo nang banggitin ang tunay kong pangalan at ikubli mo ako sa tawag na Faye.

 Ako ay 20-anyos at isang student taking up Broadcast Communications.  Noon pa man, ang pangarap kong boyfriend ay isang matalino at guwapo and if possible, mayaman.

May nanliligaw sa akin, tatlo. Ang isa ay matalino pero hindi masyadong guwapo at ordinaryo ang pamil­ya. Hindi mayaman at hindi naman mahirap. Average ang looks niya wika nga pero laging top sa klase.

Samantala, ang isa naman ay wow at super guwapo ngunit ‘di maganda ang reputasyon. Madalas nagka-cutting class.

Attracted ako sa kanyang itsura  pero marunong naman ako  para malaman na wala akong mahihita sa puro kaguwapuhan.

At ang isa mayaman ang pamilya. Marunong din sa klase pero hindi tulad nung una kong sinabi. Mukha rin siyang responsible pero talagang hindi guwapo.

Tulungan mo nga ako sa pagpili, Dr. Love. I will appreciate it if you can give me some advice.

Faye

 

Dear Faye,

Napakapalad na lang ng isang babaeng makakatagpo ng iisang lalaking taglay ang lahat ng katangiang hanap mo. Pero walang perpekto at ang bawat isang tao ay may kani-kaniyang katangian at kapintasan.

Sa pagpili ng lalaki, hindi importante ang itsura basta’t huwag naman super-pangit. Ang pinakamabu­ting criteria ay ‘yung lalaking mahal mo at kaya kang buhayin kasama ang magiging anak ninyo at higit sa lahat ay faithful.

Tama ka sa pagru-rule-out nung manliligaw mong guwapo pero trouble maker. Well, posibleng magbago ang isang tao pagdating ng araw pero mahirap magbakasakali. Sa pagkakalarawan mo sa lalaking iyan, malamang nga ay lumuha ka lang pagdating ng araw kung siya ang magiging lifetime partner mo.

Tungkol sa manliligaw mong hindi guwapo pero may kaya at medyo matalino, okey marahil iyan pero importante rin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung wala kang feelings at sasagutin mo siya dahil may kaya sa buhay ang pamilya, baka magsisi ka lang balang araw.

Maganda ang katangian nung una mong manliligaw na matalino pero hindi masyadong pogi. Ang dunong sa pag-aaral ay mahalaga para makapagtaguyod siya ng magandang future sa kanyang magi­ging pamilya. But again, timbangin mong mabuti ang feelings mo sa kanya at siguruhing mahal mo siya hindi dahil sa kanyang status kundi dahil sa kabuuan ng kanyang pagkatao.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with