^

Dr. Love

May hinanakit sa magulang

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula pagkabata, hindi pantay ang pagtingin ng aking mga magulang sa aming tatlong magkakapatid.

Panganay ako pero wala akong boses sa aking mga magulang. Sa maraming okasyong pampamil­ya, lalo na ang birthday magarbo ang handaan para sa mga kapatid ko pero kapag para sa akin na ay mairaos lang.

Dahil panganay ako, nauna akong nakatapos ng pag-aaral. Kaya nang magkatrabaho ako, ang sweldo ko ay inilalaan para sa tuition fee nina Daisy at Grace. Kinausap ako nila itay ay inay na huwag muna raw ako mag-boyfriend? hanggang hindi pa nakakatapos ang aking mga kapatid.

Pero sa totoo lang po, parehong may boyfriend na ang mga kapatid ko. Alam kong alam ito ng mga magulang ko pero inililihim lang nila.

Bakit po ganon, ako ang panganay, ang may trabaho at nagpapaaral sa mga kapatid ko pero bawal akong makipag-boyfriend. May malaman lang sila itay at inay na manliligaw sa akin ay binabara na nila. Dahil may tungkulin daw ako sa pamilya.

Bakit po hindi patas ang trato sa akin ng mga magulang ko, Dr.Love? Para tuloy gusto ko nang magrebelde. Hindi naman mahirap ang aming pamilya. May ipon ang mga magulang ko mula nang mag-retire sila sa opisina. Ipinagbukas nila ng bank account ang dalawa kong kapatid pero ako wala.

Dapat ko po bang kumprontahin ang mga magulang ko para ipamata ang pagiging unfair nila sa akin?

Payuhan mo po ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Delfina

 

Dear Delfina,

Nakakalungkot isipin na may pagkakataon na may pagtatangi ang ilang magulang sa kanilang mga anak. Gayunman, manatili kang maging mabu­ting anak, dahil magulang mo pa rin sila.

Sakaling ma-in love ka at nakakatiyak na tunay ang pagmamahal sa’yo, nasa hustong gulang ka naman na para magdesisyon para sa sarili mong kaligayahan. Pero kung wala pa naman, pagbigyan mo muna ang iyong itay at inay at huwag magtanim nang hinanakit sa kanila.

Dr. Love    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with