^

Dr. Love

Tutol ang mga anak na mag-asawa uli ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka, Dr. Love? Sana’y mailathala mo ang sulat ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Ben, 50 years-old at sa gulang kong ito ay isa nang biyudo. Namatay sa cancer ang misis ko at naiwan niya sa akin ang dalawa naming anak, isang babae at isang lalaki na kapwa nasa kolehiyo na at magtatapos na ng kurso sa isang taon.

Mahigpit ang pagtutol ng mga anak ko sa relasyon namin ng aking kasintahang si Maita, isang dating Japayuki. Si Maita ay matanda lang nang kaunti sa panganay kong anak. Sa ngayon ay hindi ko makumbinsi ang mga anak ko na ako’y mag-aasawang muli. Masyado silang close sa yumao nilang ina kasi.

Habang nagtatagal ay napamahal sa akin si Maita. Uliran siyang babae. Napilitan siyang pasukin ang trabahong ito dahil sa mahigpit na pangangailangan.

Ni minsan ay hindi siya nakipagrelasyon sa mayamang Hapones para lang yumaman agad. Ang bawat sentimong kinita niya ay mula sa kanyang lehitimong pagtatrabaho sa Japan. Iyan ay isang bagay na hinangaan ko sa kanya.

Ako naman ay isang negosyante at may kaya. Nagkasundo kami ni Maita na magpakasal at nangako siyang hindi na babalik muli sa Japan. Afterall, kaya ko siyang buhayin pati na ang pamilya niya.

Umaayaw ang aking mga anak at sinabing titigil sila sa pag-aaral kapag tinuluyan ko si Maita. Natatakot akong masira ang kinabukasan nila. Ano ang gagawin ko?

Ben

 

 

Dear Ben,

Kung pareho kayong nagmamahalan ni Maita, walang masama. Pero mabigat ang banta ng mga anak mo. Try to convince them further at naniniwala akong mapapahinuho mo rin sila.

Kung kailangang maghintay pa kayo ni Maita hanggang sa makatapos ang iyong mga anak, gawin mo. Nag-aaral pa ang iyong mga anak at obligasyon mo sila. Kailangan ang kaunting sakripisyo.

Siguro, natatakot ang iyong mga anak na mapabayaan mo sila kaya makabubuting hintayin mo na lang silang makapagtapos ng pag-aaral.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with