^

Dr. Love

Taksil na asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang-una sa lahat, binabati kita at pati na ang iyong mga tagasubaybay at buong staff­ ng paborito kong Pilipino Star NGAYON. Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ako nakakapagbasa ng inyong pahayagan. Lagi kong inuunang basahin ang  iyong kolum.

Tawagin mo na lang akong Mike, 40-anyos at limang taon na kaming nagsasama ng aking asawa­. Mayroon kaming kaisa-isang anak. Matamlay ang aming pagsasama ng aking misis. Hindi katulad noong bago pa kami nagsasama na matamis ang aming pag-iibigan. Nabago ang lahat ng ito dahil sa isang insidenteng nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ko. Naging tapat ako sa aking asawa. Wala akong inatupag kundi maibigay sa kanya ang karangyaan. Halos isubsob ko ang aking ulo sa overtime para lamang maibigay ang kanyang kapritso.

Nagbago ang lahat nang ito nang ako’y kanyang pagtaksilan.

Pilitin ko man, hindi ko maibalik ang init ng aking pag-ibig sa aking asawa. Pati kaisa-isang anak namin na dalawang taong gulang ay pinagdududahan ko ngayon kung akin talaga.

Dalawang taon na kaming nagsasama nang mabalitaan kong nakikipagtagpo siya sa iba. Napatunayan ko ito nang walang pasubali. Hindi siya nakapagsinungaling sa akin. Humingi siya ng tawad at nangakong hihiwalayan na niya ang kanyang kabit at hindi na siya uulit. Pinatawad ko siya alang-alang sa ikabubuo ng aming pamilya.

Ang problema ko’y paano ko maibabalik ang init ng aming pag-iibigan?

Mike

Dear Mike,

Hindi mo pa siya pinatatawad. Pinatawad mo siya sa salita lamang pero hindi sa iyong dam­damin. Ang Diyos ay nagpapatawad nang ganap. Sabi ng Bibliya “God doesn’t keep a record of wrongs.” Ganyan dapat magpatawad ang tao.

Kung pati ang anak mo’y pinagdududahan mo ring sa iyo, ipa-DNA test mo. Siguro kung ma­pa­patunayan mong sa iyo nga ang bata ay mawawala ang iyong pagdududa at maibabalik­ ang init ng inyong pagsasama. Huwag mong hayaang magdusa ang isang inosenteng bata na walang muwang sa kasalanan ng kanyang ina.

Ang tunay na pagpapatawad ay kailangang maging lubos. Hangga’t may kinikimkim kang sama ng loob sa taong nagkasala sa iyo, kahit humingi siya ng tawad ay hindi na maibabalik sa dati ang trato mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with