^

Dr. Love

Mr. Lonely

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maalab na pangungumusta sa inyo at sa inyong mga tagasubaybay. Sana ay malusog ka at masaya sa pagtanggap mo ng liham ko.

Isa lamang po ako sa milyong sumusu­baybay ng pitak na ito. Kaya po ako lumiham ay para maibahagi ko ang masaklap na karanasan ko sa pag-ibig. Sana lang po, matulungan ninyo ako kung ano ang mabuti kong gawin.

Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng ex-girl­friend ko. Doon na raw po siya mag-aaral sa kani­lang lalawigan. Tawagin mo na lang siyang Miss Pretty Eyes ng Bulacan. Nagkasama kami nang magtrabaho kami pareho sa isang fast food chain. Nagulat ako nang minsan ay hinalikan niya ako sa pisngi. May pagkakataon naman na hinaha­wakan niya ang kamay ko.

Minsan ay kinailangan kong umuwi dahil nagkaroon ng karamdaman ang aking ina sa pro­binsya.

Ngunit nang magbalik ako sa Maynila, wala na siya.

Ano po ang dapat kong gawin? Bakit kung kailan ko siya minahal ay iniwan naman niya ako.

Mr. Lonely

Dear Lonely,

Hindi kaya napagkamalan mo lang ‘yung paghalik niya sa iyong pisngi at paghawak sa iyong kamay at binigyan mo ng kahulugang mahal ka niya?

Nagparamdam ka na ba sa kanya na mahal mo siya? Marahil, dapat niligawan mo na siya noong bago ka umalis. Baka akala niya ay hindi ka na babalik kaya umalis na rin siya sa inyong trabaho. Baka naman may iba rin siyang dahilan na siya lang ang nakakaalam.

Kung talagang mahal mo siya, pilitin mong alamin kung saan siya matatagpuan at punta­han mo siya sa kanyang tirahan. Tantiyahin mo rin kung true love ang nararamdaman mo kay Miss Pretty Eyes ng Bulacan. Baka naman hindi at infatuation lang. Good luck.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with