^

Dr. Love

Trial marriage

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na naming napag-usapan at napagplanuhan ng boyfriend ko ang tungkol sa aming pagpapakasal at itong taon sana ang target namin. Pero nasa kalahati na ang 2017 ay hindi na niya nababanggit uli ang tungkol dito.

Pareho na kaming nasa thirties ni Dindo kaya gusto ko nang makasal kami nang sa gayon kahit dalawang anak sana ay magkaroon kami.

Isang gabi, sinabi ni Dindo na sa inuupahan kong condo muna siya uuwi, trial marriage ika niya. Kahit paano ikinatuwa ko ito dahil hindi niya pala isinasaisantabi ang tungkol sa kasal.

Pero sa ilang gabi niyang pagtulog, madaling araw palang ay umaalis na siya para puntahan at alamin ang ginagawa ng nanay niya.

Bunsong anak siya ng kanilang pamilya at sa kanya inihabilin ng kanilang ama ang pag-aalaga sa kanilang ina. Ang dalawang kapatid niya ay may kani-kaniyang nang pamilya.

Alam ni Dindo na gusto kong nakabukod kami ng tirahan, hindi sa bahay ng pamilya niya o bahay ko. Dahil gusto ko ay may sari­ling akong disposisyon sa aming bahay at sa pagpapalaki ng aming mga magiging anak.

Pero kahit may kamag-anak nang nag-aalaga sa kanyang ina, hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya pa rin ito maiwanan. Baka ang deep attachment niya na ito sa kanyang ina ay makaapekto sa aming pagsasama kapag kinasal na kami.

Payuhan po ninyo ako. Mahal ko po si Dindo pero mukhang mas mahalaga sa kanya ang nanay niya.

Gumagalang,

Patricia,

Dear Patricia,

Sa tingin ko very immature ang sinasabi mong pagmamahal mo sa boyfriend mo. Dahil ang tunay na love ay nagmamahal din sa mga taong mahal ng mahal mo. Sayang dahil ang taong may pagpapahalaga sa magulang ay karaniwang ideyal din to be a partner in life, kung hindi mo carry, huwag kang pakasal sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with