^

Dr. Love

Hindi ipinagtanggol ng kasintahan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Ako po ay isa lang sa libu-libong humahanga at tumatangkilik sa malaganap ninyong column sa Pilipino Star NGAYON. Tawagin n’yo na lang akong Raul.

Probinsyano po ako pero lumuwas sa Maynila para humanap ng ikabubuhay.  Sa pinagtatrabahuan kong pabrika ay nakilala ko si Cely, niligawan ko siya at naging kami. Nagsama kami nang hindi kasal. Okey naman sa ina niya at sa kinakasama nito. Malupit at mabisyo ang amain ni Cely.

Minsan, nakita kong may pasa sa mukha at braso si Cely. Ayaw niyang sabihin kung ano ang nangyari sa kanya. ‘Yun pala ay pinagbubuhatan siya ng kamay ng asawa ng kanyang ina. Dinidelehensyahan niya ng salapi si Cely para sa bisyo niya.  Minsan ay nahuli ko siya sa akto na sinasaktan si Cely. Umawat ako pero bumunot ng baril ang lalaki at ipinutok sa akin. Sa kasamaang palad, si Cely ang tinamaan nang yakapin niya ako. Hindi naman grabe ang tama. Ang ipinagdaramdam ko, ako ang nadiin sa kaso. Mabuti at hindi ako nakulong dahil mahusay ang abogadong nagtanggol sa akin mula sa Public Attorney’s Office. Kaya ang amain ni Cely ang nakulong dahil sa illegal possession of firearm at frustrated homicide.

Ipinagdaramdam ko na hindi tumestigo para sa akin si Cely na akala ko ay mahal ako. Iniwanan ko siya at parang balewala sa kanya.

Sa kabila nito ay mahal ko pa rin siya pero lumayo na lang ako. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin siya. Binabalikan ko siya pero ayaw na niya sa akin. Ano ang gagawin ko?

Raul

 

Dear Raul,

Sabi nga, ituring mo na lang masaklap na karanasan. Pasalamat ka na lang at hindi ka nakulong kahit hindi ka kinampihan ng ka-live-in mo. Tingin ko ay takot sa kanyang amain ang kasintahan mo kaya hindi na lang siya kumibo para ipagtanggol ka. Kalimutan mo na lang siya at magtrabaho ka nang mabuti at humanap ng ibang kasintahan. Hindi dapat tumigil ang mundo mo sa pag-ikot.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with