^

Dr. Love

Binabalewa ang in-laws

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Sampung taon na kaming nagsasama bilang mag-asawa ng mister ko at sampung taon na rin akong nagtitimpi sa hindi balanseng pakikisama niya sa pamilya ko, kumpara sa partido niya.

Hindi ko nakita ang ugali niyang ito noong nanliligaw palang siya at kahit na sa panahon ng engagement namin.

Very accommodating siya sa kanyang mga kamag-anak. Madalas ang mga pabor kaugnay man sa pinansiyal at iba pa ay dinedesisyunan na niya kahit hindi ko alam.

Pero kabaliktaran naman kapag tungkol sa pamilya ko, dahil kailangan alam niya at siya ang magpapasya.

Hindi ko alam kung nakakaramdam siya ng hiya sa mga magulang at kapatid ko. May kaya ang pamilya ko at sa kagustuhan ng ate kong tumulong ay sinagot niya ang tuition sa isang exclusive school ng aming panganay.

Kung tutuusin ay pabor sa amin ang intensiyon ni ate, pero may kondisyon pa si Rudy bago pumayag. No string attach daw. Ipinamumukha niyang utang na loob pa ng pamilya ko sa kanya ang pagpayag niya.

Sa mga naoobserbahan ko kay Rudy, hindi ko maisip kung kakayanin kong tumagal na kasama siya. Ano po ba ang dapat kong gawin para mabago ang asal ng mister ko sa aking pamilya?

Maraming salamat at sana lumawig pa ang pitak mong ito para makatulong ka sa marami mong mambabasang may problema.

Gumagalang,

Diana

Dear Diana, 

Kahit pa ang pinakamaliit na obserbasyon na nakakaapekto sa patitinginan ng mag-asawa ay mahalagang pagtuunan ng pansin, ano pa kaya ang nagiging komplikadong turin ng mister mo sa sarili mong pamilya?

Subukan mong kausapin siya tungkol sa nakikita mong pagtrato niya sa iyong pamilya. Naniniwala ako na walang hindi malilinawan sa mahinahong pag-uusap.

Isama mo rin lagi sa iyong mga dasal ang mister mo at bahala ang Diyos na bumago sa puso niya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with