^

Dr. Love

Dos Amores

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po. Kabilang po ako  sa ‘di mabilang na  suki ng inyong column. Ni sa guniguni ay hindi ko naisip na isang araw ay magkakaroon ako ng problema at hihingi din ng payo sa inyo.

Please call me Ms. Double Minded na lang ng Pasay City. Ang problema ko po ay tungkol sa dalawa kong boyfriend.

Ang una kong boyfriend ay si Manny. One year and one month na po ang aming relasyon. Napakabait niya sa akin kahit na nalaman niyang hindi na ako virgin.

Habang on-going ang relasyon namin ay nagkaroon ako ng kaibigan, si Josh. Araw-gabi niya akong tinetext at hindi nagtagal ay nanligaw na siya sa akin. Inimbitahan niya akong mamasyal. Sumama ako at doon ko siya sinagot. Bale seven months na ang relasyon namin.

Mabait din po sa akin si Manny at gentleman din. Ang problema ko ay hindi niya alam na may boyfriend na akong iba. Alam din ni Josh na hindi na ako virgin at sa kabila noon ay minahal pa rin niya ako. Natatakot akong mawala siya dahil mas mahal ko siya kaysa kay Manny.

Problema ko rin ang mother ko kasi hindi niya alam na dalawa ang boyfriend ko. Si Manny lang ang alam niyang boyfriend ko at boto siya rito. Ayaw niya kay Josh.

Sa ngayon po ay tinitimbang ko sa sarili ko kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mahal ko. Patuloy pa rin ang mga relasyon namin. Naguguluhan po ako kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kong mahalin. Sana ay matulungan mo akong mag-decide.

Umaasa,

Miss Double Minded

 

Dear Miss Double Minded,

Kung ang mahal mo ay ang ikalawa mong boyfriend, makipag-break ka na sa una mong kasintahan. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog at baka makarma ka.

Kahit mas boto ang nanay mo sa isa, ikaw ang dapat magpasya para sa sarili mo dahil sarili mong future ang nakataya.

Isa pa, unfair ka sa una mong nobyo dahil pinagtataksilan mo siya. Tutal, hindi ka pa kasal, puwede ka pang pumili sa kanilang dalawa.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with