^

Dr. Love

Paano na ang pangarap ni Celia?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong labandera at ang aking asawa ay karaniwang manggagawa sa isang livestock and poultry farm.

Ang aming pinaglalaanan ng maliit na kinikita sa trabaho ay ang nag-iisa naming anak na babae na sa pasukan ay senior high school na.

Sa liit nang aming kinikita ay masasabing­, from-hand-to mouth lamang at wala nang eks­trang  gastos pa. Pero sinisikap ko na kahit minsan ay mapakain ko sa murang restaurant ang anak kong si Celia.

Taun-taon sinasabitan ng medalya ang anak ko sa kanilang recognition day, malaking kara­ngalan ito para sa aming mga magulang niya. Dahil sa kabila nang kalagayan namin sa buhay ay nabibigyang pagkilala ang aming anak sa kanyang pagsisikap na mag-aral.

Naaawa nga po ako sa kanya kapag nagpa­palipat-lipat kami ng tirahan, dahil sa naantalang pagbabayad ng renta o kaya’y napuputulan ng kuryente. Kaya nakontento na lang siya sa aandap-andap na liwanag ng kandila.

Dr. Love, sa pakiwari ko po ay minalas ako sa buhay mula nang mag-asawa. Tama po ba ang obserbasyon ko?

Gusto nang patigilin sa pag-aaral ng mister ko ang aming anak. Pero paano na ang mga pangarap ni Celia? Palatandaan ba ito na sumusuko na ang asawa ko sa hirap ng aming buhay o paraan niya na maghiwalay na kami? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Leonora

Dear Leonora,

Lahat ay may kani-kaniyang pasan sa buhay, ang pagsuko ay katumbas nang kawalan nang pag-asa. Subukan mong kausapin ang mister mo, baka stress lang siya kaya niya nasabi ang ganon.

Lalong mahalaga na maging bukas ang komunikasyon ninyong mag-asawa, dahil malayo kayo sa isa’t isa.

Ang sabi mo taun-taon ay nasasabitan ng medalya ang inyong anak sa recognition, may mga scholarship grant na pwedeng lapitan para suportahan ang mga batang may angat na talino. Subukan mong magtanung-tanong sa paaralan o sa city hall sa inyong lugar tungkol dito.

Kahit ano pa ang kalagayan natin sa buhay, ang bawat umaga ay may biyayang kalakip na nagbibigay pag-asa. Dapat lang ay magtiwala tayo sa Panginoon na pinagmumulan ng lahat nang mabubuting bagay.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with