PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nawasak na pagsasama

Dear Dr. Love,

Sumainyo ang blessing ng ating Panginoon sa pagtanggap ninyo ng sulat kong ito. Tawagin niyo na lang akong Heartbroken, isang misis na hiwalay sa asawa.

Hindi ko maintindihan what went wrong. Anim na taon na maligaya ang aming pagsasama. Nagkaroon kami ng isang anak.

Tapos, may isang gabi ng kasalanang nagawa ko na nagsilbing mabigat na pagsubok at pinagsisisihan ko nang lubos. Nagkaroon ako ng isang panandaliang relasyon sa ibang lalaki.

Isa siyang Arab national na nakilala ko sa birthday party ng isang kaibigan. Liberal minded ang kaibigan kong ito. Marahil dahil sa matinding pagkalasing nung gabing ‘yon, natukso akong sumama sa lalaking ito. Nabuntis ako.

Kinabahan ako habang dala-dala ko sa sinapupunan ang sanggol.  Alam kong iba ang magiging anyo ng bata.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagsilang nga ako at naganap ang pinangangambahan ko. Pinalayas ako ng aking asawa kasama ang aking baby. Abot-abot ang aking paghingi ng tawad pero ayaw akong patawarin ng asawa ko. Ano ang aking dapat gawin? Mahal ko ang aking asawa.

Heartbroken

 

 

 

Dear Heartbroken,

Marami tayong nagagawa na sa dakong huli ay pinagsisisihan. Wika nga, may consequence ang lahat ng ating ipinasyang gawin. Kung mabuti ang ginawa mo, may sukling mabuti rin. Kung kasalanan, trahedya ang aabutin mo.

Sa pangyayari sa buhay mo, ang isang gabi ng pagkakasala ay nagdulot sa iyo ng habambuhay na kalbaryo. Unang-una ay magsisi ka sa Panginoong Diyos at paulit-ulit kang humingi ng tawad sa asawa mo. Kung hindi ka niya patawarin ay nagawa mo na ang bagay na dapat mong gawin.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: