PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hinahanap ang ama

Dear Dr. Love,

Hi and Hello. Unang-una, gusto ko munang batiin ka ng isang napakainit na pagbati.

Tawagin mo na lang akong Sylvia, 27-anyos at hiwalay sa asawa pero walang formal annul­ment. Ang asawa kong “guwapo” ay naakit sumama sa ibang babae. In other words, ako ay biyuda sa buhay.

Nag-iisang babaeng anak ang iniwanan sa akin ng mister ko. Grade 2 na siya sa pasukan.

Minsan ay natutulala ako kapag tinatanong ako ng aking anak kung nasaan ang ama niya. Sabi ko ay patay na siya. Pero hinahanap-hanap pa rin siya ng anak ko.

Lubhang maka-ama ang aking anak nung nagsasama pa kami at naging masakit sa kanya ang pagkawala ng kanyang ama.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Noong una ay gabi-gabi siyang umiiyak hang­gang sa makasanayan na niya na hindi umuuwi sa amin ang ama niya. Pero may mga pagkaka­taong nagtatanong pa rin siya.

Tama ba na itanim ko sa isip ng aking anak  na patay na ang ama niya?

Sylvia

Dear Sylvia,

Kasinungalingan na sabihin mo sa iyong anak na patay na ang ama niya. Huwag mong ipamulat sa kanya ‘yun dahil isusumbat niya sa iyo ‘yun pagdating ng araw na may sapat na siyang isip.

Sabihin mo na ang totoo ngayon pa lang para habang lumalaki siya ay matuto siyang umu­nawa sa pangyayari sa inyong buhay.

Alalahanin mo Sylvia na pakatagu-tago man ng lihim, ito ay mabubunyag din.

Hindi masamang magsabi nang tapat. Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon para ma­unawaan niya kung bakit hindi n’yo na kapiling ngayon ang kanyang ama.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: