PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Umaayaw na sa boyfriend

Dear Dr. Love,

Nagdadalawang-isip po ako kung sasama pa ko sa pag-aayang magtrabaho sa abroad ng boyfriend ko. Bukod sa kinakapos na siya sa pag-aayos ng mga papeles niya ay may nakita pang bukol sa kanya at inaalam kung ito ay cancerous.

Tutol po ang nanay ko sa relasyon namin ni Daniel. Wala raw akong mapapala sa kanya. May ibang lalaki po na gusto para sa akin si nanay, si Mr. Uy na may-ari ng grocery sa aming lugar.

Minsan nang iniskandalo ni nanay ang tinutuluyang apartment ni Daniel para layuan ako at nakokolele naman ang tenga ko sa panay-panay na mura niya sa akin.

Napapahiya po talaga ko dahil isa akong teacher. Pero pilit kong inuunawa si nanay dahil dati siyang naadik sa droga.

Ang sabi ni nanay, hindi araw ako giginhawa sa piling ni Daniel dahil hindi niya pinapaboran ang relasyon namin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa pakiwari ko po ay mukhang nagkakatotoo na ito. Unti-unti nang nauubos ang naitatabi kong ipon sa pagtulong sa pampa-medical ni Daniel at hindi pa malaman kung cancerous ang bukol na nakita sa kanya.

Kapag nagkataon, mas mabigat na responsibilidad pa sa pagtataguyod sa pag-aaral ng tatlo kong mga kapatid ang kakaharapin ko, kapag na-diagnose na may sakit si Daniel.

Nalilito na po ako kung itutuloy ko pa ang relas­yon namin o makikinig kay nanay para hindi ako malugmok sa kahirapan. Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Stephanie
 

Dear Stephanie,

Kung minsan nauuna ang takot natin sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari, kaya nawawalan tayo ng direksiyon. Pero isa lang ang malinaw, hindi sapat ang pagmamahal mo o hindi mo talaga mahal ang boyfriend mo, dahil mabilis kang nabagabag sa posibleng kondisyon niya. Pag-aralan mong mabuti ang kalooban mo para sa kanya at kung talagang segurado ka na kahit hindi pa nakukumpirmang may cancer siya, wala naman siyang magagawa kung umaayaw ka na.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: