PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

The second time around

Dear Dr. Love,

FIRST of all, a warm greetings to you and your legion of readers.

Tawagin mo na lang akong Jess at ako ay isang biyudo. Namatay ang misis ko, may apat na taon na ngayon.

Sa ngayo’y malapit na akong maging senior citizen at ni sa imahinasyon ay hindi ko akalaing iibig akong muli.  Sa pamamagitan ng isang common friend ay nakilala ko si Elvira. Si Elvie ay biyuda rin at nasa 54 ang edad pero maganda siya na tila 35 years old lang. 

Nagkakaugnayan kami mula noon sa private messaging sa facebook at sa text.

Wala namang tutol ang mga anak ko na pawang may mga pamilya na, sa balak ko na mag-asawang muli.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

So, nagkaroon kami ng relasyon ni Elvie at nagbabalak kaming magpakasal. Pero minsa’y nanaginip ako na sinusumbatan ako ng aking nasirang asawa, na ako raw ay taksil. Naisumpa ko kasi nang siya ay nakaratay sa sakit na cancer, na hindi ako mag-aasawa kalian man. Ano ang gagawin ko?

Jess

 

Dear Jess,

Kahit sa Biblia, sinasabing puwedeng mag-asawa ang sino mang nabiyudo o nabiyuda. Kaya wala akong nakikitang hadlang kung bakit hindi ka puwede mag-asawa muli.

Natural lamang na umibig kang muli. Sabi ng Diyos nang lalangin niya ang unang tao, “Hindi makabubuti sa lalaki ang nag-iisa” kaya lumalang siya ng babae, si Eba, mula sa tadyang ni Adan.

Mabuti rin ang hindi mag-asawa kung kaya mo. In that way, naihahandog mo nang buo sa paglilingkod sa Diyos ang iyong sarili. Pero kung ang pagiging single for the rest of your life ay magiging dahilan ng iyong pagkakasala, makabubuting mag-asawa ka.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: