^

Dr. Love

Itinago ang tunay na identity

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa akong bachelor at anak ng isang kila­lang pamilya sa aming lalawigan. Tawagin mo na lang ako George. Ang totoo ay nahihiya akong malaman ng iba ang problema ko, pero dahil nalaman ko mula sa isang kaibigan ang tungkol sa column ninyo ay naglakas-loob na akong mag-email.

Hindi po kasi alam ng pamilya ko ang pagi­ging bisexual ko. At kahit clue ay ayaw ko silang bigyan ng impormasyon tungkol dito.

Ang worry ko ay na-in love na ako nang todo sa isang bi na kagaya ko at gusto niyang magpakasal kami. Hindi niya pa talaga kilala ang tunay na family background ko at natatakot ako sa gusto niyang mangyari na ma-meet ang parents ko.

Natatakot akong itakwil ako ng pamilya ko kapag nalaman nila ang totoo at natatakot din ako na baka manlamig sa akin ang partner ko kapag nalaman niya na hindi ako nagpakatotoo sa kanya.

Kahit sa imagination ay hindi ko po kayang mawala siya sa akin. Ano ang gagawin ko? Please advice me.

Thanks

George

 

 

Dear George,

Anumang bagay na nagsimula nang mali ay hindi magbubunga ng tama. Nangangamba ka dahil itinago mo sa kanya ang tunay mong identity at maaaring dahil dito ay iwanan ka niya, ibig kong sabihin na wala kang seguridad  sa relasyong meron kayo.

Hindi ko gustong husgahan ang mga may gender preference na gaya mo, pero talagang may consequences ang bawat desisyon natin sa buhay at kailangan mo itong harapin kung paninindigan mo ang naging pasiya mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with