^

Dr. Love

Tatay ko ba talaga siya?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maiwasang magduda kung tunay na ama ko ang kinikilalang tatay, dahil bukod sa kakula­ngan sa presensiya ay halos hindi rin siya makapagbigay ng suporta sa amin ni nanay.

Kinagisnan ko na malayo si tatay, dahil sa ibang lugar ang kanyang trabaho at stay-in siya. Bibihira rin siyang umuwi sa amin.

Ang hindi ko lang po maintindihan na bagaman matagal nang may trabaho si tatay ay parang mag-isang itinataguyod ni nanay ang mga pangangailangan namin.

Lalo na ngayon na naka-confine po ako. Dahil sadyang kapos ang kita sa paglalabada at pamamasukan bilang kasambahay ni nanay para mabayaran ang hospital bills, tumawag siya kay tatay para magpasaklolo.

Pero gaya nang dati, walang pera si tatay. Wala pa raw a-kinse, hindi pwedeng bumale at wala siyang madelihensiyahan. Kaya ang kawawang nanay ko ang gumapang para malampasan namin ang pagsubok na ‘yun.

Nakakasama po ng loob, dahil ang mga kapatid, pamangkin at ba pang kamag-anak ni tatay ay hindi kailangan magdalawang sabi sa kanya kung lalapit para manghingi, hindi utang ng pera ay bigay agad sya.

Alam ko po na mali ang mag-isip nang hindi maganda sa aking tatay. Pero sa mga nangyayari sa amin ni nanay, hindi ko maramdaman na may ama ako o may kahit katiting na importansiya ba kami sa kanya. Dahil mas nagmamalasakit siya sa mga kamag-anak, kaysa sa aming mag-ina niya.

Payuhan po ninyo ako, paano ko maiiwasang hindi maghinanakit at pag-isipan na hindi ko talaga ama ang kinalakihang tatay ko.

Gumagalang,

Mary Ann

 

 

 

Dear Mary Ann,

Hindi mo malalaman ang dahilan kung hindi ka magtatanong. Tutal naman ay kayo ng nanay mo ang laging magkasama, subukan mong hanapan ng timing at itanong mo sa kanya kung anak ka talaga ng kinikilala mong ama.

Pero bago mo gawin ito, tiyakin mo na maihanda mo rin ang iyong sarili sa maaaring katotohanan na lumantad sa’yo. Maging ito ay positibo o negatibo para sa’yo, sikapin mo na harapin ito at magpatuloy sa iyong buhay.

Hindi naman ang tatay mo ang buhay mo, kaya sa halip na ikapanlumo mo ang sitwasyon ninyong mag-ina, gamitin mo ito para mas masikap, magpakatatag ay mas hangaring umasenso sa buhay. Nang sa gayon ay makapagpahinga naman ang iyong ina.

Alam mo mas magiging madali ang buhay, kung matututunan mong tanggapin kung anong meron ka, kaysa maghanap ng wala.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with