^

Dr. Love

Textmate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pangungumusta po ang ipinapaabot ko sa inyo at sa lahat ng mga fans ng Dr. Love.

Tawagin n’yo na lang akong Elena, avid reader ng Pilipino Star NGAYON. Paborito ko po ang kolum ninyong Dr. Love at nagpasya akong sumulat at hingan ko kayo ng payo.  

Alam kong mali itong ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang aking damdamin. May asawa po ako pero nahuhulog ang damdamin ko sa isang lalaking nakilala ko lang sa text. Nag-wrong sent kasi at mula noon, nagpapalitan na kami ng message.

Tatlong taon na kaming kasal ng mister ko at wala pa po kaming anak. Isa siyang Medical Representative at madalas ay nadedestino sa malayo. Gustong makipag-eyeball sa akin ng ka-textmate ko pero nangingibabaw pa rin ang takot ko kay God.

Maganda po ang kita ng asawa ko, dangan nga lamang at nararamdaman kong wala siyang oras sa akin. Kahit umuuwi siya minsan every two weeks, ni wala siyang oras para sa private moment namin.

Napakalakas ng aking nadarama Dr. Love para sa aking ka-text. Ano ang dapat kong gawin?

Elena

Dear Elena,

Nangungulila ka sa lambing. Iyan ang totoo at hindi mo malulutas iyan nang mag-isa, kundi dapat mag-usap kayong mag-asawa tungkol diyan. Sabihin mo sa kanya ang pagkukulang niya.

Paano mo naman ipapalit sa kanya ang isang taong hindi mo pa nakikita? Kahangalan iyan at malaking kasalanan. Hindi mo pa nga kilala nang ganap ang lalaking ito, umuukupa na siya ng malaking bahagi sa pag-iisip mo.

Makipagliwanagan ka nang husto sa mister mo hinggil sa problema ninyo.

Tungkol naman sa ka-textmate mo, magdahan-dahan ka dahil hindi mo pa naman siya lubusang nakikilala. Marami na ang napahamak dahil nakipagtagpo sa isang taong hindi naman kilala. Ingat.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with