^

Dr. Love

Sumbat ng budhi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakahiya ang isisiwalat ko sa inyo, Dr. Love kung puwede, ikubli mo na lang akong sa alyas na Mr. Regretful dahil pi­nagsisisihan ko ang isang malaking kasa­lanang nagawa ko.

Nagkaroon ako ng relasyon sa sarili kong kapatid. Kapatid ko siya sa laman at hindi ampon. Maraming ulit kaming parehong nakalimot. Nasa ibang bansa ang aming mga magulang at kami lang ang naiwan sa aming bahay dahil kapwa kami nag-aaral. Regular kaming pinadadalhan ng pera ng aming mga magulang na may negosyo sa Amerika.

Hindi ko siya pinuwersa kundi maluwag din sa loob niyang pumatol siya sa akin. May pagka-liberated din ang kapatid ko. Matanda siya ng mahigit isang taon sa akin. Magkasunod lang kami.

Nakikita ko rin na maraming lalaking bahagi ng buhay niya. Nakokonsensiya ako ngayon. Pero sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko mapigil ang aking pagnanasa.

Ano ang gagawin ko?

Mr. Regretful

 

 

 

Dear Mr. Regretful,

Pinakamabuting gawin ay mag-iwa­­san kayo upang huwag nang ma­ulit­ ang hindi nararapat mangyari. Sigu­­ro’y makabubuti kung mag-board ka na lang sa lugar na malapit sa iyong pamantasang pinapasukan. Kung gusto mo talagang magbago? Puwes, sundin mo ang sinabi ko. Seek professional help at humiwalay ka ng tirahan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with