PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Naghanap ng atensyon si Daddy

Dear Dr. Love,

Biglaan akong umuwi ng Pilipinas mula sa Canada kung saan ako at aking pamilya nakatira, sa dahilang ipinasusundo ng aking auntie ang ama ko na nagtanan sila ng babaeng kinahuhumalingan niya.

Nauunawaan naming magkakapatid na nangu­ngulila si daddy mula nang pumanaw ang aming ina. Kaya nang hilingin niyang magbakasyon kina Auntie Mona sa Pilipinas ay pumayag kami.

Dahil wala naman kaming natatanggap na tawag mula kay auntie, inakala namin na maayos ang lahat. Nagsimula lang ang problema nang makaisip magpa-massage si daddy sa malapit na spa sa subdivision nila auntie.

Nakilala niya doon si Carla, 45-anyos na balo at may isang anak. Mula noon ay madalas na siyang nagpapabalik-balik doon at may dala pang kung anu-anong regalo hanggang sa hindi na umuwi si daddy.

Bumili siya ng condo at doon ibinahay ang masahista at ang anak nito. Isang buwan lang ang nakalipas ay naglahong parang bula ang laman ng account ni daddy sa bangko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagkabistuhan nang isugod siya sa ospital dahil sa mga ipinainom na gamot ni Carla para sa erection niya. Halos patayin ko sa tingin ang babaeng ‘yun nang magkita kami.

Hinakot namin agad ang lahat ng laman ng condo at mabuti na lang ay hindi pa naililipat sa pangalan ni Carla ang condo na for sale na ngayon dahil iuuwi ko na sa Canada ang daddy ko.

Ang ihihingi ko po ng payo ay kung ano ang mas maiging gawin naming magkakapatid sa tuwing busy kami sa trabaho, ayaw naman magpadala sa nursing home ni daddy. Payuhan po ninyo kami.

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Nestor 

 

Dear Nestor,

Ang tanging maipapayo ko ay sikapin ninyong magkakapatid na mapaglaan ng oras ang inyong ama sa nalalabi niyang panahon sa mundo. Maaa­ring hindi magiging madali ito dahil abala kayo sa kani-kaniya ninyong responsibilidad, pero may mga kapatid ka kamo at kung magtutulungan kayo, walang imposible.

Sa pangungulila ng inyong ama, ngayon niya higit na kailangan ng oras at pag-aaruga ninyo bilang natitira niyang pamilya. Huwag n’yo siyang pilitin kung ayaw niya sa nursing home.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: