PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Natanso

Dear Dr. Love,

Ang puhunan ko lang po ay ang kagandahan ko at akala ko noon, ito ang maghahango sa akin sa hirap, pero nagkamali ako matapos na matanso.

Naka-agaw pansin sa akin ang magarang sasakyan na minamaneho ni Dante, graduate na siya ng commerce at nagkakilala kami sa kolehiyong pinapasukan ko.

Ulila na akong lubos. Kaming tatlong magkakapatid ay kinuha ng mga kamag-anak na kumupkop at nagpatapos sa amin ng high school. Nakatuntong naman ako sa kolehiyo dahil pinag-aral ako ng pastor sa sektang kinabibilangan ko. 

Pero hanggang second year lang dahil natigil ako nang maging sunud-sunuran sa lahat ng gusto ni Dante, nagbuntis,nagtanan kami at nagpakasal sa huwes.

Inakala kong ibabahay niya ako, pero sa bahay ng kapatid na siyang may-ari ng sasakyan kami tumira. Wala raw aalalahanin sa gastos, lalo na sa napipinto kong panganganak, basta paglilingkuran namin siya nang walang sahod.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gaya nang makilala ko si Dante, pinagmamaneho niya ang ate niya, habang ako naman ay katulong sa lahat nang gawaing bahay.

Matatagalan ko sana ang tratong katulong kasama nang panghihiya sa akin, lalo na sa ibang tao. Pero ang pagsigaw ni Ate Doris sa aming anak ay hindi ko na kinaya. Umalis ako, pero nagpaalam naman sa kanila at nagpunta sa tiyahin ko.

Ilang araw lang ay sumulpot doon si Dante at nagbigay ng dalawaang-daan piso, ang iba kasi niyang pera ay diretso sa kanilang ina para pampa-aral sa iba pa nilang kapatid.

Diniretsa siya ni Tiya, kung isinasauli na raw ba kaming mag-ina. Kung ganon nga raw ay huwag na siyang magpakita o ipapadampot siya. Noon ko nakita na walang buto si Dante. Iresponsable. Hindi na nga siya nagpakita.

Ngayon ay naghahanap ako ng matinong trabaho para mabuhay kaming mag-ina.

Kapulutan sana ng aral ng readers ninyo ang liham ko, na huwag maging basehan ang materyal na bagay sa pagpasok sa relasyon.

Gumagalang,

Nerissa

 

 

Dear Nerissa,

Lagi talagang nasa huli ang pagsisisi kung sarado ang tenga sa mga pangaral. Pero ang mabuti pa rin ay natuto ka sa iyong naging pagkakamali. Salamat sa pagtitiwala mo at natitiyak kong nag-iwan ng leksiyon sa ating mga readers ang kasaysayan mo.

Nawa’y magpakatatag ka, dahil ang bawat araw ay may dalang pag-asa sa lahat nang nagsisikap gaya mo. At sana magtanda ka na nang hindi na maulit ang parehong pagkakamali.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: