PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Di dapat manligaw ang babae

Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo? Tawagin n’yo na lang po akong Jinny, 18 years-old at nasa Senior High. May nagugustuhan akong guy. Dati po akong may bf pero noon iyon dahil nag-break na kami. Ang nagugustuhan ko ay kaibigan pala ng ex ko.

Ang pangalan ng guy na nagugustuhan ko ay Mikee. Nang magkaroon ako ng pagka­kataon, kinausap ko si Mikee, sinabi niya na baka may magalit daw sa kanya kapag kina­usap ko siya.

Hindi ko maunawaan kung may gusto siya sa akin dahil lagi siyang nakatingin sa akin. Naram­daman ko ito nang magkaroon ng debut ang friend ko.

May two months na kaming magkakilala pero hindi pa siya nanliligaw.

Sa palagay po ninyo Dr. Love, may gusto kaya si Mikee sa akin? Ititigil ko na kaya ‘yung nararamdaman ko o ipagpapatuloy ko pa? Help me naman po please dahil palagi po akong hindi makatulog sa kaiisip sa kanya. Pinadalhan ko na po siya ng love letter.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Jinny

Dear Jinny,

Masagwa para sa isang babae ang manligaw sa lalaki. Chipipay ka kapag ginawa mo iyon. Pero ginawa mo na nga nang padalhan mo siyang ng love letter. Anuman ang nararamdaman mo sa isang lalaki, hindi ka dapat magpakita ng motibo. Lalabas na mababang uri ka ng babae.

Moderno man ang isip mo, mas mainam sa babae ‘yung nililigawan. Kagaya niyan, pati ‘yung pagpapahiwatig mo sa iyong crush ay alam na ng buong barangay pati na ng ex mo.

Delikado ang ginagawa mo. Baka maka­kita ka ng lalaking mapagsamantala, ikaw ang kawawa­.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: