PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hanggang salita lang

Dear Dr. Love,

May anim na buwan na pong nakikisama ako sa isang lalaking hiwalay sa asawa sa nakalipas na sampung taon.

Hindi legal ang paghihiwalay nila. Ang sabi sa akin ni Meynard, mahal na mahal niya ako at nais niyang ipawalang bisa na ang kanyang kasal sa ex-wife niya.

Hanggang doon lang po. Hanggang sa salita lamang at wala naman siyang ginagawang aksiyon para ma-annul ang kasal niya kay Doris.

Kahit sinasabi ng dalawa na wala na silang pagmamahal sa isa’t isa, may pagtutol pa rin si Doris sa annulment ng kasal. Kailangan daw bigyan siya ng kanyang asawa ng sustento bukod sa sutento sa anak nila.

Kailangan din anyang ibenta na nila ang conjugal property nilang bahay at lote na tinitirahan ni Meynard para mahati ang pakinabang sa ari-ariang ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mula noon, puro panghihinayang sa ibebentang ari-arian at sa sustentong hinihingi ng asawa niya ang naririnig ko kay Meynard.

Sa palagay ko, ang mahalaga lang sa kay Meynard ay kuwarta at hindi ang magandang pagsasama.

Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

 Marivic

Dear Marivic,

Huwag mo nang ipakipagsapalaran pa ang kaligayahan mo, yaman din lamang na hindi ka naman segurado na liligaya ka sa lalaking kailan mo lang nakilala.

Marami ka pang makikilalang iba na walang sabit, kumalas ka na habang may panahon pa.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: