PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang Tutor

Dear Dr. Love,

Hello po at isang pinagpalang araw sa inyo.  Isa po akong masugin na mambabasa ninyo.

Sumulat po ako para maibahagi ang ­aking karanasan sa pag-ibig at umaasa ako na maging mabuting ehemplo sa iba pa ninyong mambabasa.

Wala po akong problema sa pag-ibig sa ngayon. Ang tanging pagsubok ay magkalayo kami sa isa’t isa pero kaya naman siya malayo sa akin ay dahil kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan  namin nang kunin ko siyang tutor ko sa Math. Isa kasi siyang engineer at magaling sa Math.  Maraming nagpapa-tutor sa kanya noon sa aming lugar.

Natapos ako sa high school at siya pa rin ang tutor ko sa Math, Physics at iba pang mga subjects na related sa mga numbers. Hindi pa rin niya nasasabi sa akin ang lihim niyang pag-ibig.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Noong mag-college ako, nalipat ako sa Maynila samantalang ang aking tutor ay nagpunta naman sa Saudi Arabia para magtrabaho. Nagkahiwalay kami ng landas. Nang bumalik siya para magbakasyon, tamang-tamang debut ko naman kaya inimbita ko siya. Noon ay nakita niya na ang dating bugnuting dalaginding ay isa nang dalaga kaya’t nagkalakas na siya ng loob na magsabi ng pag-ibig

Ako naman, siyempre, excited dahil noon pa man ay crush ko na siya. Kasi ang akala ko, hindi niya ako pinapansin dahil bata pa ako at noon kasi ay mayroon siyang girlfriend.

Mahal na mahal niya ako at ganoon din ako sa kanya. May usapan kami na kailangan muna niyang mag-ipon ng pera at pakakasal kami sa sandaling matapos na ako sa kinukuhang kurso.

Kahit kami ay magkalayo, may tiwala kami sa isa’t isa dahil may solidong pundasyon ang aming relasyon na inalagaan ng panahon.

Isang taon pa ang aming ipaghihintay para makatapos ako sa pag-aaral subalit kung ang tatanungin ay ang aking Sweetie, gusto na niyang pakasal na kami kahit na ngayon at ipagpapatuloy ko na lang daw ang aking pag-aaral kahit mag-asawa na kami.

Sana po ay tuluy-tuloy ang aming magandang relasyon at ito ang dalangin ko sa Maykapal.

Sana po ay may mapulot na magandang aral dito ang iba pang mga kababaihang tulad ko.

More power to you at hangad ko po ang patuloy ninyong tagumpay.

Gilda

 

Dear Gilda,

Ikinatutuwa kong hindi naman pala lahat ng lumiliham sa pitak na ito ay mayroong problema.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang kasal ninyo ng nobyo mo.

Talagang kung ang isang lalaki at babae ay magkapalaran, magtagal man ang pagkakahiwalay ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

Dalangin ng pitak na ito ang inyong kaligayahan.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: