PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Naniwala sa sabi-sabi

Dear Dr. Love,

Solong anak po ako at sabik na magkaroon ng ate. Nakita ko sa aking first cousin ang pagmamalasakit nang nakakatandang kapatid. Pero nakakalungkot isipin na isang mapanirang sabi-sabi ang bumasag sa aming magandang samahan.

Malayo ang estado ng aming buhay sa kalagayang mayroon si Ate Susan at ang kanyang pamilya. Pito silang magkakapatid, naglalabada ang kanyang ina habang pangkaraniwang emple­yado sa ahensiya ng gobyerno ang kanyang tatay.

Dahil magkamag-anak naman kami, tinulu­ngan nina daddy at mommy ko sina Tito Ibo at Tiya Ming na mapag-aral ang isa nilang anak, at si Ate Susan nga po  iyon.

Kinalaunan ay minabuti na rin ng mga magulang ko na sa aming bahay na rin manirahan si Ate Susan para may kasama anila ako sa bahay kapag pareho silang busy sa trabaho.

Pero mula nang kumuha ng kasambahay si mommy ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Ate Susan sa akin. ‘Yun pala maraming sinasabi sa kanya si Manang Elvie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakumpirma ko ito nang minsang abutan kong nakikipagkwentuhan si Manang Elvie sa kasambahay ng katabi naming bahay. Sinasabi niyang walang utang na loob ang tingin ng aming­ pamilya kay Ate Susan.

Ang higit na masaklap ay pinaniwalaan ito ni Ate Susan kaya malayo na ang loob niya sa akin at sa mga magulang ko.

Ayaw niya po makipag-usap. Ilan araw lang ay narinig kong nagpapaalam na siya kina mommy at daddy na uuwi na sa kanilang bahay.

Dr. Love, ano po ang dapat kong gawin para maipa-realize kay Ate Susan na mali ang iniisip niya. Payuhan po ninyo ako.

Milen

Dear Milen,

Kung kakausapin ninyo nang sarilinan si Susan­, naniniwala ako na mabilis na matutul­dukan ang problema. Simpleng hindi pagkakaunawaan lamang ang nangyayari dahil sa hindi magandang intensiyon ng inyong kasambahay.

Mag-usap kayo, maaaring sa dinner time o lumabas kayo para malaman ninyo ang problema at mai-correct ito. Mas mabuti rin siguro na kausapin ninyo ang inyong kasambahay nang matutunan niya rin ang kanyang leksiyon.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: