PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Salawahan

Dear Dr. Love,

Hello. Tawagin mo na lang akong Sad Lady ng Tanauan, Batangas. Kasalukuyan ay nasa ikatlong baitang ako sa mataas na paaralan. Kabi-break ko lang sa boyfriend ko noong nakaraang Pebrero.

Masaya kami noon. Nangangarap kami na magkaroon ng happy family. Pero sa nakalipas na mga araw ay nagtaka ako sa pagbabago ng kanyang ugali. Hindi na siya ang dating loving at maalalahanin.  May nagsabi sa akin na may iba na siya.

Naniwala lang ako nang harap-harapan ko nang makita na sinundo niya ‘yung girl at sabay silang umuwi. Napakasakit nito. Matagal akong umiyak.

Please, tulungan mo po ako.

Sad Lady

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dear Sad Lady,

Mahalaga ang katapatan sa isa’t isa ng dalawang nagmamahalan. Sa sandaling magtaksil ang isa, maaaring bigyan ng isa pang pagkakataon kung siya’y magsisisi at magiging tapat.

Pero kung matapos kang magpatawad ay uulitin niya ang kataksilan, ituring mo na itong katapusan ng inyong relasyon.

Pasalamat ka at maaga pa’y nakita mo na ang tunay niyang kulay. Mas masakit kung ang pagtataksil ay mangyayari kapag kayo’y kasal na.

Bata ka pa at bigyan mo muna ng prayoridad ang pagtatatag ng magandang kinabukasan na matatamo lamang sa pamamagitan ng edukasyon.

Saka na muna ang seryosong love affair.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: