PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kabit noon, kabit pa rin ngayon

Dear Dr. Love,

Wala pang isang taon mula nang manganak ako at dumanas ako ng kabigatan ng loob. Nabisto ko po na may ibang kinahuhumalingan ang asawa ko.

Hindi po ito ang unang pagkakataon na may ganitong sitwasyon sa aming mag-asawa. Muntik na po malaglag noon ang baby namin.

Ang masaklap po ay parehong babae ang involve sa magkaibang pakakataon.

Seaman po ang mister ko at malapit na naman siyang sumampa ng barko. Sa totoo lang po ay hindi na naman ako matahimik.

Kung hindi naman po siya aalis ay masasayang ang lahat nang hinuhulugan pa naming bahay at lupa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mahal ko po ang asawa ko, pero napakasakit po nang ginagawa niya at parang masisiraan na ako ng bait kapag hindi siya tumigil. Payuhan po ninyo ako kung paano ko mapapaunawa sa mister ko na hindi niya dapat balewalain ang kalooban ko.

Hindi ko po magawang ipagtapat sa mga magulang ko ang tungkol dito dahil ayaw ko kamuhian nila ang asawa ko. Pero hindi ko kayang i-handle mag-isa ang nararanasan kong sakit ng kalooban.

Ayaw ko po ng ganitong pakiramdam, tulungan po ninyo ako.

Lubos na nagpapasalamat,

Riza

 

Dear Riza,

Magpakatatag ka. Dahil tapat ang Diyos sa kanyang salita na hindi tayo susubukin nang higit sa makakayanan natin.

Isa pa, lahat ay may pinagdaraanan. Dahil bahagi ito ng buhay sa mundo.

Kaya gaano man kasaklap ang sitwasyon nanararanasan mo ngayon, huwag kang susuko. Sa halip ay magtiwala ka sa Diyos na may perpek­tong pag-ibig para sa lahat ng kanyang nilikha.

Sa tuwing binabagabag ka ng pangamba, ipikit mo ang iyong mga mata at magdasal nang taimtim. Ipagkatiwala mo ang lahat sa Diyos, dahil wala siyang hindi magagawa para sa mga sumasampalataya sa kanya.

Siya lang din ang makakapagpabago sa puso ng asawa mo. Kasama mo ako sa panalangin na magiging maayos ang lahat para sa pamilya ninyo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: