^

PSN Showbiz

Nagpapaka-natural!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nagpapaka-natural!
Beauty

Nagpapaka-natural sina Alden Richards and Maine Mendoza sa mga eksena sa kauna-unahan nilang te­leseryeng pang-primetime ng GMA, ang Destined to be Yours, na eere na two weeks from now.

“Kasi po parang the more na e-effort-an namin, parang mas lalong fake ‘yung kinakalabasan, ‘yung nakikita ng tao,” pahayag ni Maine sa presscon ng Destined… nung isang gabi na itinaon sa Valentine’s.

“So, dito, talagang ganu’n din po, natural lang po kami, kung ano po ang kailangan sa eksena, ‘yun din po ang gagawin namin, then kung lumabas siyang nakakakilig, then nakakakilig,” she added.

Nakatulong din sa kanila na hindi agad-agad kina-cut ang mga take ni Direk Irene Villamor.

 “Minsan, tinutuloy pa po namin ‘yun, hindi po nagka-cut si direk para makakita po kung ano ang meron pang pwedeng gawin,” banggit naman ni Alden.

Samantala, naniniwala silang destiny ang nagdala sa kanilang loveteam. 

 “Lahat talaga ‘yan, destiny,” sabi ni Maine.

At naiisip ni Maine na may chance na maging sila ng actor.

Ganundin si Alden. Though hindi sila nagmamadali.

“Kumbaga, ine-enjoy lang po namin ‘yong moment namin together especially ito, may bago na naman po kaming offer sa fans, sa mga sumusuporta,” sagot ni Alden. 

Marian nasa bucket list ang Flowershop

Nasa bucket list pala ni Marian Rivera ang magka-flower shop.

Tinanong daw siya minsan ng asawang si Dingdong Dantes kung ano ba ‘yung mga nasa bucket list niya sa kanyang sarili. At nang sabihin niya raw na isa ang flower shop, in-encourage siya nitong ituloy ito. At nagulat na lang siya na nung Christmas, ibinigay na agad sa kanya ng asawa ang permit ng flower shop.

Kuwento pa ni Marian, siya mismo ang gagawa ng mga arrangement at wala siyang kukuning assistant.

So makakaasa ang mga magiging customer sa pagiging hands on niya sa kanyang sisimulang negosyo.

Anyway, walang trace na nanganak si Marian nang humarap siya sa entertainment press para sa renewal ng contract as endorser ng slimming tea na Biofitea kahapon.

Beauty Gonzales ikakasal na sa super millionaire na BF

Ikakasal na pala ang Kapamilya actress si Beauty Gonzales sa ama ng kanyang anak na si Norman Crisologo.

At ang bongga ng susuutin niyang wedding gown, Dolce & Gabbana lang naman, na binili pa nila umano nang bumiyahe sa Europe ayon sa source.

Very rich ang boyfriend na ito ni Beauty ayon sa source kaya sulit naman pala ang pagtalikod sa career niya at mag-concentrate na lang sa pagna-nanay niya. Super millionaire daw ito na merong art collection na worth millions. #jackpot

 

vuukle comment

NAGPAPAKA-NATURAL!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with