Nagbabago ang isip
Dear Dr. Love,
Kindly call me Brenda na lang. I am 25 years old at engaged to be married next year. Pero at this point, parang nagbabago ang isip ko na pakasalan ang kasintahan ko.
Dati akong may boyfriend na nakipag-break sa akin at nagpakasal sa iba. Sa sama ng loob ko ay sinagot ko ang boyfriend ko ngayon kahit wala akong damdamin sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit padalus-dalos ako ng desisyon. Nang yayain niya akong pakasal, hindi na ako tumanggi. Siguro dahil ito sa sama ng loob sa dati kong boyfriend.
Kaya ito ang problema kong malaki. Pakakasalan ko ba siya o hindi? Iniisip ko, dahil mabait naman siya at mukhang responsable, baka matutuhan ko rin siyang mahalin.
Ano ang maipapayo mo?
Brenda
Dear Brenda,
Kung wala kang pag-ibig sa lalaking pakakasalan mo, mabuti pa na hangga’t maaga ay makipag-break ka na.
‘Yung sinasabi mo na baka dahil sa kabaitan niya ay ma-develop din ang pag-ibig mo, delikado iyan. Paano kung hindi?
Alalahanin mo na lifetime commitment ang pag-aasawa. Hangga’t buhay ang isa ay hindi kayo dapat maghiwalay. Kaya habang hindi pa huli, mabuti pang makipag-break ka na. Mas mabuti na iyan kaysa pareho kayong magdusa habambuhay. Siyempre kung ako ang lalaki, magtatanim ako ng galit sa iyo pero mas mabuti na ‘yun kaysa kapwa ninyo pagtitiisan ang pagsasama nang walang pag-ibig habambuhay.
Dr. Love
- Latest