^

PSN Showbiz

Maja hindi naisip na dyowain si Enchong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Enchong Dee na crush niya noon pa man si Maja Salvador. Ngayon ay magkaibigan ang dalawa at palagi raw masaya kapag magkasama. “’Yung totoo, naging crush ko talaga si Maja. No dull moment, papasayahin ka niya, papakainin ka niya. Kahit bumabagyo noon, pinuntahan ako ni Maj kasi may swimming competition ako,” kwento ni Enchong.

Hindi raw kailangang lagyan ng malisya ng mga tao ang pagiging malapit ng aktor kay Maja. “Kung ano man ang pakikitungo ko kay Maja, it’s just the same thing kung paano ako kay Bea (Alonzo), kay Kim (Chiu), sa mga kaibigan kong babae. Ganito lang talaga ako,” paglilinaw ni Enchong.

Ayon naman kay Maja ay talagang napakabuting kaibigan ng aktor at hindi nakikita ng dalaga na magkakaroon sila ng espesyal na ugnayan nito. “Hindi naman sa walang (attraction) pero parang sa sobrang bait ni Enchong, ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Kaya mas pipiliin mo siyang maging kaibigan mo na lang. Kahit hindi na kami artista, nandiyan talaga siya. Ang maganda kay Enchong talaga, iniisip niya hindi lang ‘yung future niya kundi pati ng mga kaibigan niya. Kapag usapang pera, si Enchong ang pinakamagandang kausapin,” pagbabahagi ni Maja.

Xian tanggap na buwag na sila ni Kim!

Sa susunod na buwan ay nakatakda nang simulan ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Xian Lim at Coleen Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama ang dalawa sa proyekto. “It’s a learning experience for me. Kasi we learn a lot from working with other people. It’s also exciting on my part na makatrabaho ng ibang leading lady because we’re going to be offering something new. The chemistry’s going to be something new, lahat bago,” nakangiting pahayag ni Xian.

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang aktor tungkol sa muling pagtatambal nina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Ilang taon ding nagkatambal sina Kim at Xian sa mga proyekto at ngayon sinasabing mayroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa.

Mayroong mensahe si Xian sa lahat ng mga tagahanga nila ni Kim lalo pa’t naiba na ang kanya-kanyang kapareha. “Sabi ko nga sa mga previous interview ko, hindi naman kami pababayaan. We will be giving the best quality shows and quality stories. Para sa kanila lahat ito, sa lahat ng audience namin,” giit ng aktor.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with