^

PM Sports

Paminsan-minsan lang naman ito

Pang-masa
Paminsan-minsan lang naman ito
Masayang nagdiwang ang mga taga-Barangay Ginebra.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Noong Miyerkules ay nakamit ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ang kanyang pang-19 PBA championship.

Inamin ng 58-anyos na si Cone na malaki ang kanyang ipinayat dahil sa pag-iisip ng mga estratehiya para sa Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven championships series ng Meralco sa 2016 PBA Governor’s Cup Finals.

“I’ve lost 10 pounds this entire conference because of stress and worry,” sabi ni Cone, inihatid ang Alaska at San Mig Coffee sa PBA Grand Slam noong 1996 at 2014, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ni import Justin Brownlee ang walong taon na pagkauhaw sa korona ng Gin Kings matapos isalpak ang buzzer-beating three-point shot para lusutan ang Bolts, 91-88 sa Game Six noong Miyerkules sa dinagsang Smart Araneta Coliseum.

Ang finals MVP na si LA Tenorio kasama ang kanyang mga anak.

“Each championship has its own personality,” pagkukumpara ni Cone sa una niyang titulo para sa Ginebra sa 13 korona sa Alaska at 5 kampeonato sa San Mig Coffee/B-Meg Llamados. “It was a pretty much story book series.”

Sa kabuuan ng serye ay ipinakita nina veteran guards Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand, bahagi ng huling kampeonato ng Ginebra noong 2008 Fiesta Cup, ang determinasyong makamit ang titulo.

“We really wanted to win this championship for Mark and Jayjay, no doubt about that. Because they want it so much for the fans,” sabi ni Cone sa tinaguriang ‘The Fast and the Furious”.

Ilang minuto matapos makuha ng Gin Kings ang kanilang pang-siyam na PBA championship ay nag-propose ang 36-anyos na si Caguioa sa kanyang Fil-Australian girlfriend na si Lauren Hudson.

“We’ve been together for 12 years, and this was the right time,” ani Caguioa. “She’s been there since 2004 and siya nagpapalakas sa akin, I wanna thank her, she’s been through ups and downs and I love her.” (RCadayona)

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with