^

PSN Palaro

Krusyal na panalo asam ng Philippine 3x3 team

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng Philippine 3x3 team na mailista ang importanteng panalo ngayong araw upang makapasok sa susunod na yugto ng 2016 FIBA 3x3 World Championships na ginaganap sa Guangzhou, China.

Makakasagupa ng Pilipinas ang No. 14 Hungary sa alas-3:10 ng hapon kasunod ang pakikipagtipan sa third seed Poland sa alas-4:10.

Kasama ng Pilipinas, Hungary at Poland sa Pool C ang Romania at Spain.

Kasalukuyang magkasosyo sa ikalawang puwesto ang Pilipinas at Romania hawak ang magkatulad na 1-1 rekord habang nasa unahan ang Spain na may malinis na 2-0 marka.

Naitarak ng Pinoy squad  ang 21-19  buwena­manong panalo laban sa Romania subalit lumasap ito ng 19-21 kabiguan sa kamay ng Spain sa ka­nilang ikalawang pagsalang.

Ang Pilipinas  ay bina­ban­derahan nina Mac Belo, Karl Dehesa, Glenn Khobuntin at Russell Escoto.

May 15 puntos na si Khobuntin sa dalawang laro habang nagtala naman ng 13 puntos si Belo at siyam naman si Dehesa..

Sasalang naman sa shoot-out contest si Dehesa kung saan makakalaban nito sina Juan Garbarino ng Uruguay, Balasz Kerpel-Fronius ng Hungary, Mido Mohamed ng Egypt, Jordi Olcina ng Andorra, Simon Finzgar ng Slovenia, Rivaldo Pangesthio ng Indonesia, Jose Roas ng Spain, Angel Santana ng Romania at Michal Wojtynski ng Poland. (CCo)

vuukle comment

FIBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with