^

Dr. Love

Anak sa labas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang-una po ay binabati kita ng mabiya­yang araw. Ako po si Nina, (please huwag nang sabihin ang apelyido), 30-anyos at may asawa.

Late po kaming nagpakasal ng mister ko nang kami ay parehong 27-anyos pa lang. Ang problema namin ay wala pa kaming anak matapos ang tatlong taong pagsasama. Hanggang isang araw, may ibinunyag na lihim sa akin ang mister ko. Hindi niya ito sinabi nang nililigawan pa lang niya ako kaya sumama ang loob ko.

Mayroon pala siyang anak sa labas, sa kanyang dating ka-live-in. Sabi niya, kung papayag ako ay aampunin namin ang sarili niyang anak sa ibang babae.

Sabi niya, patay na ang ina ng bata at payag ang nanay ng kanyang dating ka-live-in na kunin ang bata sa kanila. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa sama ng loob. Ano ang dapat kong itugon?

Nina

Dear Nina,

Lahat ng tao ay nagkakasala at nagkakamali. Maaaring iba’t iba ang kasalanan pero kahit ano pa ito, kasalanan pa rin na may katapat na kapatawaran. Kung humingi ng tawad ang asawa mo, patawarin mo.

Hindi rin masamang ampunin ninyo ang sa­rili niyang anak. Walang anak sa pagkakasala at kahit ito ay nabuo dahil sa bawal na relasyon, ang mga magulang lang ang may kasalanan at hindi ang bata. Tutal, anak naman siya ng mister mo kaya pumayag ka na.

At kung sa paglipas ng panahon ay biya­yaan kayo ng anak ng Diyos, huwag sanang mabawasan ang pagtingin mo sa anak ng iyong asawa at maging patas ka sa pagtrato sa inyong mga anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with